Isang KAHIHIYAN SA KATALINUHAN NG ISANG TAO kung siya ay wala man lamang MALASAKIT o INTERES sa PAGHAHANAP NG KATOTOHANAN.
Alalahahing palagi at isa-isip: “Iisa lamang an gating buhay! Tiyakin natin an gating paniniwala sapagkat isa (1) lamang sa dalawa (2) ang ating patutunguhan, Una ang walang hanggang GANTIMPALA (o sa Paraiso) at IKALAWA ang walang hanggang KAPARUSAHAN (o sa Impiyerno).
Sa Islam itinuturo na ang Tao ay binigyan ng Allah (swt) ng Kakayahan na makapagpasiya at mangatwiran sa mga pangyayari at sa mga bagay-bagay nang naaayon sa tamang pamamaraan. Siya ang pinakamataas na uri sa lahat ng mga nilikha ng Allah (swt) dahil sa kaisipan na ipinagkaloob sa kanya. Ang sinumang nakahandang magsaliksik, sa Islam ay patuloy na binibigyan siya ng katiyakan sa kanyang karapatan, kalayaang pumili at kalayaang gamitin ang ibinigay ni Allah (swt) na kakayahang umunawa at umisip; ang anumang maaaring maging desisyon ay igagalang nang lubusan.
Kami ay sumasaksi na walang diyos maliban sa Allah (swt) at walang iba na karapat-dapat sambahin maliban sa Kanya. Kami ay naniniwala na wala siyang katambal, at si Muhammad (saw) ay Alipin at Sugo ng Allah. Natitiyak din namin na si Hesus (as), anak ni Maryam ay Alipin at Sugo, ang kanyang “Salita” (Maging! At Mangyari na.) na ipinagkaloob kay Maryam at ang Espiritu na nilikha niya. Tinatanggap din namin na ang lahat ng mga propeta ay magkakapatid at walang pagkakaiba ng kanilang pananampalataya ang “Al-Islam (paniniwala sa kaisahan ng Allah (swt))”. Sumasaksi kami na ang Paraiso ay totoo, ang Impyerno ay totoo, at ang Allah (swt) sa Araw ng Paghuhukom ay muli niyang bubuhayin ang mga patay para isa-isa niyang hahatulan ayon sa kanilang mga gawain.
Sinabi ng Allah (swt) sa Banal na Qur’an [Qur’an, 42:13]: Itinatag ng Allah para sa inyo ang”Deen – Al-Islam” katulad ng itinakda kay Noah, at ang aming inihayag sa iyo (Oh Muhammad!), at ang aming itinakda kay Abraham, Moses at Hesus na sinasabing: “Magpakatatag sa ‘Deen’ at huwag kayong maghati-hati”. Malupit sa mga mushrikun gaya ng iyong (Muhammad) pagtawag sa kanila, ang Allah ay mamili sa kanya kung anong nanaisin, at magbigay patnubay sa mga magsisi at humigi ng kapatawaran dahil sa pagkamasunurin. Ito ang aming balita, at ang “Ummah ng mga Muslim” ay sasaksi sa Araw ng Paghuhukom na inihatid nila ang ‘Balita ng Katotohanan’ at iniwan sa bawat isa sa inyo na tanggapin o tanggihan, sundin ang katotohanan o manatili sa kadiliman.
Ang Allah (swt) ang nagsabi sa Banal na Qur’an [Qur’an, 2:255-256]: [255] Allah! ‘La ilaha illa Huwa’, ang Laging Buhay, ang Tagapagtustus at ang Tagapagtanggol ng lahat ng nabubuhay. Hindi natutulog o dalawin ng antok. Siya ang nagmamay-ari ng lahat ng nilalaman ng langit at lupa. Sino ang mamagitan sa Kanya maliban sa Kanyang kapahintulutan? Alam niya nag mangyayari sa kanila (kanyang nilikha) sa mundong ito, at ang kanilang kahihinatnan sa kabilang buhay, kailan man ay hindi nila mauunawaan ang Kanyang Kaalaman maliban sa kanyang kapahintulutan. Sinasaklawan ng Kanyang ’Kursi’ ang Kalangitan at ang Kalupaan, at wala Siyang pagkahapo sa pangangalaga sa kanila, Sapagkat Siya ang Kataas-taasan, ang Pinakadakila. [256] Walang sapilitan sa pananampalataya. Ang katotohanan at tuwid na landas ay ginawang malinaw sa maling landas. At sino man ang walang paniniwala sa ‘Taghut’ at manampalataya sa Allah ay may matatag at mapagkakatiwalaang pinanghahawakan na kalian man ay hindi mapuputol. Ang Allah ang Lubos na Nakakarinig, Ang Lubos na Nakakaalam.
Allahu A’lam!
Subhanakallahumma wabihamdika ashadu ala ilaha illa anta astaghfiruka wa atubu ilaika,
Wa Akhiru Dawana Anil Hamdulillahi Rabbil Alameen!
Assalamo Alaykom Warahmatulahi Wabarakatuh!!!
Ahmad Martinez
Tags:
Comment
TUITION FREE
Come Join us in seeking knowledge for the SAKE of Allah ta'ala Alone.
Abu Hurayrah relates that the Prophet(peace be upon him) said, "For him who embarks on the path of seeking knowledge, Allah will ease for him the way to paradise." (Related by Muslim)
Why did we embrace ISLAM? (Bakit ko niyakap ang Islam)
Please share your story on the blog and we will add the link here.
1. Sister Zahra Salvacion
2. Sister Aminah from US
3. Brother Jameel Lumanog
4. Arvin Ahmed Cayabyab
5. Priest and preachers enter Islam by Yusuf Estes
6. Dr. Dirks is a former minister (deacon) of the United Methodist Church. He holds a Master's degree in Divinity from Harvard University and a Doctorate in Psychology from the University of Denver.
7. Reverend Armando Barcelon
© 2012 Created by Reverts to Islam.
You need to be a member of Spread the WORD of ISLAM to add comments!
Join Spread the WORD of ISLAM