BAKIT WALANG PASKO SA ISLAM? AT PAANO ITO NAGSIMULA…
~ Sa kabila ng pagmamahal ng mga Muslim kay Jesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) hindi ipinagdiriwang ang pasko sa Islam sa likod ng mga maliliwanag na batayan na sana ay ating maunawaan. Ito ay hindi pagpapakita ng hindi pagrespeto sa ibang relihiyon, bagkus ito po ay pagbabahagi ng kaalaman hinggil sa pagdiriwang na ito. Nawa’y maunawaan natin. Salamat po.
1. IPINAGDIWANG BA NI KRISTO ANG PASKO?
Ayon sa mga taong EKSPERTO SA PAG-AARAL NG KASAYSAYAN (Historians) hindi kailan man nabanggit sa biblia na ipinagdiwang ni Jesukristo (Alayhis Salam ) ang kanyang kapanganakan. Gayundin ang kanyang mga disipulo at mga naunang tagasunod. Tunay na makikita natin sa mga Propeta ang maliwanag na halimbawa kaya bakit natin gagawin ang bagay na hindi niya ipinag-utos? Kung siya ang daan, katotohanan, at ang liwanag, bakit natin siya sinusuway. Tunay na ang pagsuway sa Propeta ay bawal sa Islam kaya walang Pasko sa Islam.
2. KAILAN UNANG IPINAGDIWANG NG MGA ROMANO ANG PASKO?
“Ang mga Romano Katoliko ay unang ipinagdiwang ang pasko, unang tinawag na Feast of the Nativity, sa taong 336 A.D.”
Ang salitang Christmas ay di rin nabanggit sa Biblia. Ayon pa sa mga Pantas “Ang salitang Christmas ay pumasok sa wikang English sa isang panahon humigit- kumulang 1050 A.D. sa anyo ng sinaunang salitang English na Christes Maesse, na nangangahulugang Kapistahan ni Kristo.”
Hindi ipinagdiwang ni Jesus (as) ang Pasko at ito ay pagdiriwang na inimbento lamang ng mga tao. Sa Islam hindi maaari na mag imbento ang mga tao ng mga bagay na may kinalaman sa ralihiyon dahil ito ay magiging dahilan ng pagkaligaw mula sa tamang landas na ikapapahamak niya. Hindi tinatanggap ang anumang pagdaragdag sa relihiyon gaano man kabuti ang ating intensiyon. Hindi ba ang Panginoon ang mas nakaaalam ng kanyang relihiyon, kaya bakit kailangan natin ito.
Ang Pasko ay pagdaragdag lamang sa relihiyon kaya walang Pasko sa Islam.
3. BAKIT NAGKAROON NG PAGDIRIWANG NG PASKO?
“Bagaman ang ebanghelyo ay binabanggit ang kapanganakan ni Jesukristo(Alayhis Salam) ng may ibayong detalye, hindi naman nito binanggit ang petsa nito?Pinili ng Simbahang Katoliko Romano ang December 25 bilang Araw ng Kapistahan ng kapanganakan ni Hesus UPANG MABIGYAN NG KRISTIYANONG KAHULUGAN ANG MGA PAGDIRIWANG NG MGA PAGANO. Halimbawa, ang Simbahan ay nagpalit sa pagdiriwang ng araw ng kapanganakan ni MITHRA, ang panginoon ng liwanag, ng mga pagdiriwang na umaalala sa kapanganakan ni Jesus?ANG SIMBAHANG KATOLIKO ROMANO AY NAGHANGAD NA AKITIN ANG MGA PAGANO SA KANILANG RELIHIYON SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPAHINTULOT SA KANILA NA IPAGPATULOY ANG KANILANG MGA PAGDIRIWANG (NA PAGANO) HABANG SABAY NA SILA AY DUMADAKILA SA ARAW NG KAPANGANAKAN NI JESUS.”
Makikita natin dito ang isang tahasang pagpapakita ng panloloko na kung saan isinakripisyo ng ilang mga tao ang kanilang Relihiyon kapalit ng materyal na pabor. Kailanman hindi katanggap-tanggap na babaguhin natin ang mga katuruan mula sa Panginoon para lang sa kaunting benepisyo at ito ay hindi katanggap-tanggap sa Islam kaya hindi ipingdiriwang ang Pasko sa Islam. At ito rin ang dahilan kung bakit ipinadala ni Allah (swt) si Propeta Muahmmad (saws) upang ibalik ang tunay na katuruan ng relihiyon ni Allah (swt).
4. ANO ANG KATIBAYAN NA DECEMBER 25 IPINANGANAK SI JESUS (as)?
Sa katotohanan wala dahil una, walang nabanggit sa Biblia o anumang kasulatan tungkol dito. Maraming mga pantas pa nga ang nagsasaasabi na imposible na December 25, ang kapanganakan ni Jesus (as) dahil nalalaman nating lahat na ito ay panahon ng taglamig dito sa Middle East. At si Maria ay kumain ng tamar (dates) na namumunga kapag tag-araw.
Ikalawa ayon sa Microsoft Encarta Encyclopedia sa artikulong CHRISTMAS.
“Bago pa ipinakilala ang pagdiriwang ng Kapaskuhan taon taon mula sa pagdating December 17 ang mga Romano ay nagpapapuri kay Saturn, ang sinaunang Diyos ng mga pananim, sa isang kapistahan na tinatawag na Saturnalia. Ang pagdiriwang na ito ay tumatagal ng 7 araw na karaniwang natatapat sa December 25?na tinatawag na SATURNALIA?Karamihan sa mga Romano ay ipinagdiriwang din ang pagkakaroon ng mahabang oras ng liwanag ng araw (nangangahulugang mas mahaba ang araw kaysa gabi) pagkatapos na winter solstice sa pamamagitang ng pakikilahok sa mga ritwal na dumadakila kay Mithra, ang sinaunang diyos ng liwanag ng Persia.”
Kaya noong kapanuhunan bago dumating si Jesus (as) at sa panahon niya ay walang pagdiriwang na nabanggit sa kasaysayan tungkol sa December 25, maliban pa sa ito ay pista ng mga Pagano.
5. ANO ANG KAPAKANAN NG PASKO SA LIPUNAN NG TAO?
Ayon din sa Mirosoft Encarta Encyclopedia
“Ang Biblia ay hindi nagbibigay ng anumang pamantayan na nagpapaliwanag kung paano ang Pasko ay isasagawa at ANG BIBLIA AY DI NAGBIGAY NG ANUMANG INDIKASYON NA ITO AY ISAGAWA BILANG ISANG PAGDIRIWANG.
Nararapat lamang na ang isang pagdiriwang na alang alang sa relihiyon ay mayroon ding banal na pamantayan kung paano ito isasagawa. Halimbawa sa Islam ang Eidul Fitr at Eidul Adha ay may maliwanag na pamantayan kung paano ito isasagawa. Maaari ba natin ipagdiwang ang isang panahon para sa Panginoon na kung saan ginugugol natin ito sa pag-inom ang alak, pagsasayaw , at iba pang gawain na nauuwi sa kalaswaan at karahasan kahit pa ito ay ginagawa natin sa piling ng ating mga kaanak. Ilang krimen ba mayroon tuwing araw ng ng pasko. Ang kalabisan ay hindi bahagi ng katuruan ng Islam. Katotohanan walang pangangailangan ang Islam sa lahat ng ito kundi tayo ang may pangangailang sa Islam.