Salaam Alaykum Waramatullahi Wabarrakattuh...


Sa mga kapatid na mga muslim... Umpisahan na po natin ang pag-iipon ng peso-peso para sa dawwah. Eto po ay malaking tulong sa ating dawwah projects sa buong Pilipinas at makakatulong po tayo nito sa mga mahihirap na mga muslim. Magkakaisa po tayo para makatulong sa mahihirap nating kapatid hindi lamang sa pamamagitan ng dawwah kundi maging sa pagbibigay ng mga pagkain sa mga mahihirap nating kapatid na mga muslim sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas.


Ang pagdadawwah po ay katungkulan po sa bawat-isa sa atin, hindi lang sa materyal na bagay maging sa esperituwal na bagay. Alisin po natin ang pagka-inggit, eto po ay isang cancer na sakit na laging nananatili sa ating puso. Magkakaisa po tayong lahat para sa paglilingkod sa Allah. Isipin po natin palagi na bawat kilos natin ay nakatingin po ang Allah sa atin "IHSAN".


Sa lahat na mga muslim organization umpisahan na po ninyo ang pag-iipon ng peso-peso, eto ay hindi mabigat sa ating bulsa, ang lahat pong eto at maiipon ay napakalaking tulong na po sa bawat isa sa atin, kahit po makapulot kayo ng peso sa daan, ipunin nyo po at isa po eto na makakatulong sa paghihirap ng ating mga kapatid.


Maging sa ibayong dagat, umpisahan na po ninyo ang pag-iipon ng barya-barya para sa mahihirap nating kapatid na mga muslim. Pagpalain po tayo ng Allah na magkakaisa po tayo para mabigyan ng solusyon ang paghihirap ng ating mga kapatid.


Ameen...

Views: 4

Tags: Association, Charity, Friends, Group, Islam, Muslim, Orban, Organization, Poor

Comment

You need to be a member of Spread the WORD of ISLAM to add comments!

Join Spread the WORD of ISLAM

Comment by Abdul Kareem Santillan on September 28, 2010 at 6:26pm
Mashaallah... Allahu Akbar... Pagpalain tayo ng Allah... Naway sa dahilan ng peso-peso, mapagkaisa tayo para sa muslim ummah... Ameen
Comment by eliasbraghy,clerigo on September 28, 2010 at 4:19pm
Assalamualaikum Kapatid!!
napakaganda ng iyong hangarin at 100% ang aking suporta sa paggawa ng kabutihan, marahil ay sa Peso ay tayo magkaisa at matugunan ang financial na bagay para sa mga mahihirap na kapatid, kasi hindi lang makakatulong tayo sa financial kundi ang sa akin baka mas mapaigti pa natin ang pagkakaisa, sa pamamaraan na ito, maraming panahon na ang lumipas at panahon na para kumilos at palakasin ang Dawah sa Pilipinas, Alhamdulillah saimula noong yumakap ako sa Islam at hanggang ngayon napansin ko na bumabalik ang dating panananampalatayang Islam ang dating kaharian Muslim sa Pilipinas, lumipas na ang marahas na pagsulong ng pananampalatayang Cristianismo na dala ng mga Kastila sa ating bansa ngayon panahon na para ibalik sa pamamaraan ng pagiging isang Tunay na Muslim, na maging halimbawa sa mata ng tao lalo na sa mata Ng Diyos kundi si Allah swt. hindi natin namalayan na sa peso sa bawat araw na lumipas nakakagawa ka ng kabutihan na hindi mo napapasin ay bumubunga ng pagkakaisa at pagpapadama sa mga mahihirap na hindi pala sila nakakalimutan ng mga kapatid na mananampalataya, damang-dama nila ang saya at pagmamahal sa pagpupuri para ma please ang Allah.

May Allah swt. multiply their rewards hereon earth and also in the hereafter.
JAZAKALAHUKIERAN!

© 2012   Created by Reverts to Islam.

Badges  |  Report an Issue  |  Terms of Service