KOMUNISMO Katotohanan sa likod ng Kasinungalingan [footnotes not included]

Ang komunismo ay ideolohiyang binuo noong 1840s ng mga sosyalistang
sina Karl Marx sa tulong ni Friedrich Engels, may akda ng Das Kapital
at Communist Manifesto na nakabase sa teoryang Dialectic Materialism.
Kasalungat ng Dialectic Idealism, ang Dialectic Materialism ay isang
ideolohiyang hindi naniniwala sa kahit anong hindi nakikita o nahihipo
ng ng sangkatauhan, samakatuwid, ito’y ideolohiya na itinatangging
mayroong Diyos, Poon, o kahit anong banal na ibinatay din naman sa
teorya ng ateyistang si Charles Darwin.

Ayon kay Marx; inevitable, kusang mahihinog, o kusang uusbong ang
komunismo. Ayon sa kaniya; mula sa Primitive Communal System, ang mga
tao ay palipat-lipat ng tahanan upang makapaghanap ng pagkain at iba
pang pangangailangan. Mula sa mga primitibong ito may lilitaw na uri ng
tao na marunong magtanim na hindi na nangangailangan pang
magpalipat-lipat ng lugar, ang mga taong ito ang mga unang Panginoong
Maylupa. Magbibigay daan ito sa pag-usbong ng Pyudalismo. Magkakaroon
ng mga sentrong pangkalakalan, uusbong ang industriya at mga pagawaan,
‘di maglalaon, iiral ang Kapitalismo na magbibigay daan sa pagkakaroon
ng “Triangulong Lipunan”. Isang lipunan kung saan ang maliit na
porsyento ng mga elistista – Burgesyang Komprador at mga Panginoong
Maylupa ang nasa tuktok. Sa pagitan ng mga elitista at mahihirap ay ang
mga Peti-Burgesya at mga Pambansang Burgesya habang nasa ilalim ng
triangulong ito ang mayoridad – ang mga mahihirap, na binubuo ng sektor
ng mga Manggagawa, Magsasaka, Mala-Ploteryado at mga Lumpen-Ploteryado.
‘Di maglalaon magbibigay daan ito di-umano sa Sosyalismo hanggang sa
huling yugto ng pag-unlad, ang classless society o Komunismo.
Sinalungat ito ng kaniyang desipolo, ang Rusong si Vladimir Lenin. Ayon
kay Lenin, hindi kusang mahihinog o uusbong ang komunismo hanggat hindi
naitatag ang mga Unyon o mga Partido. Kaniyang pinagkaisa ang mga unyon
ng mga mangagawa sa Russia na tinawag na “Soviet”. Aniya, ang komunismo
sa pamamagitan ng mga Uring Manggagawa ay uusbong mula sa mga
industrialisadong syudad patungo sa mga kanayunan.

Ang kaisipang iyon ay sinalungat ng Tsinong si Mao Zedong. Nakita ni
Mao na hindi aakma ang teoryang iyon ni Lenin sa kanilang bansa, ang
China. Agrikultura hindi Industriya at Magsasaka hindi Manggagawa ang
umiiral sa China nang panahong iyon, dahil sa totoo lang ay hind naman
talaga kasama ang mga magsasaka sa ideolohiya na binuo nila Marx at
Engels. Dagdag pa niya, ang Komunismo ay lalaganap mula sa mga
kanayunan patungo sa mga industriyalisadong bayan, salungat sa teorya
ng una.

Hindi rin nagkakatotoo ang teorya ni Marx na kusang iiral ang
minimithing Komunismo kahit na anong gawin sa parehong paraan na hindi
rin sasapat ang ideolohiyang Marxismo-Leninismo na wala ang Kaisipang
Mao Zedong.

1966, nang usulong ni Mao Zedong ang People’s Protracted War o
Matagalang Digmang-Bayan. Nagtagumpay ang taktikang militar na ito
hanggang sa mabuo nila ang isang Totalitaryang Lipunan sa China. Ang
sistemang Totalitarian ay nagbibigay kapangyarihang makontrol ng estado
ang mga mamamayan. Ang mga magsasaka ay magtatanim ng sobra sa personal
na pangangailangan sa mga lupang hindi nila pag-aari, pag-aari di-umano
ng buong bayan. Sa ilalim ng Five-year Plan ni Mao na minsang tinawag
na Great Leap Forward, magiging kolektibo at malawakan ang produksyon
na ipamamahagi sa lahat ng mamamayan – isang lipunang communal.

Salungat ang sistemang ito sa ideolohiya ni Marx. Ayon kay Marx; ang
tao ay kikilos lamang ayon sa kaniyang kagustuhan, gagawa lamang sa
kung ano ang kaniyang pangangailangan - sistema ng lipunan kung saan
ang mga tao ang may kontrol sa estado.

Sa kabilang banda, sinalungat naman ng isa pang komunista at lehitemong
miyembro ng Partido, si Leon Trotsky ang naging kapalit ni Lenin, si
Joseph Stalin. Aniya; ang isang bansa ay hindi magiging ganap na
komunista ng nag-iisa at hindi niyayakap ng lahat ng bansa ang sistema
o sa madaling salita ay nananatili pa rin sa sistemang Kapitalismo. Sa
papaanong paraan? Ayon sa kaniya; maaring umiral ang kapitalismo sa
loob mismo ng komunistang nasyon kung ipagpapatuloy nito ang
pakikipagkalakan sa mga kapitalistang bayan. Samakatuwid, ganap lamang
ang pagiging komunista ng isang bansa kung komunismo rin ang umiiral sa
mga karatig bansa nito. Isang halimbawa nito ang China noong panahon ni
Mao bago pa ang polisiyang pang-ekonomiya ni Deng Xiaoping at sa kung
papaanong paraang ang Hilagang Korea ay limitado lamang ang mga bansang
kaagapay sa kalalakan.

Ang teorya ni Trotsky ay hindi nagustuhan ni Stalin kaya naman ipinapatay niya ang kapwa kadre at kapartido.



Ang serye ng kaharasan sa lumaganap sa mga komunistang nasyon.
Milyun-milyon ang ipinapatay ni Stalin, kumilos ang Union of Soviet and
Socialist Republics [USSR] bilang isang imperyalistang manlulupig,
nanakop ng mga bansa [salungat sa prinsipyo ng National Democrasy]
hanggang sa huling taon ng USSR noong 1991. Nasangkot ito sa mga serye
ng Mass Murder, Ethnic Cleansing, Genocide at Diskriminasyon. Sa China
naman, naging marahas ang hakbang ng Partido sa pagtataboy ng mga
nagpipiket na kabataan, intelektwal at mga mag-aaral na tinutuligsa ang
maling sistema, sinagasaan ng mga tanke de guerra ng pamahalaan ang mga
walang labang nagpipiket sa Tiananmen Square noong 1989. Umiral ang
mapanupil na Cultural Revolution, isang programa ng Partido Komunista
kung saan nilinlang nila ang mga indigino at minoridad na tribo sa mga
lalawigan ng China. Pinilit nilang ipamuhay sa bawat mamamayan ang
isang kulturang naayon at inaayunan ng ideolohiya. Hindi naging malaya
ang mga tao na isabuhay ang kinagisnang kultura at relihiyon o mga
paniniwala. Marahas na itinaboy ang Dalai Lama sa Timog Tsina at
nilupig ang mga Tsinong Muslim na tumanging isabuhay ang sistema sa
Silangang Tsina. Samakatuwid, hawak sa leeg ng Partido ang bawat
mamamayan, walang karapatang magmay-ari ng kahit anong ari-arian
[salungat sa ipinapangako ng National Democracy na ipamamahagi ang mga
lupain sa mga mamamayan], walang karapatang ipahayag ang sarili at
bilang kaparusahan sa sinumang lumaban o umalma sa Partido, ipapataw
ang kaparusahang kamatayan o ilang taon ng mabigat na trabaho ng walang
kabayaran at malayo sa pamilya.

Bata pa lamang ako nang mamulat sa tunay na mukha ng lipunan at
sistemang umiiral. Ang pyudal na monopolyo ng pasistang reaksyunaryong
gobyerno at ng mapagsamantalang kapitalista at ang pagpapahirap sa
sambayan ng huwad na pangulo ng papet na gobyerno. Sumaksak sa isipan
ko ang mga katagang “serve the people” hanggang sa sa sumasama na’ko sa
mga anti-gobyernong mobilisasyon. Madalas kong madinig ang idealistang
linya ng kantang “Bayan, bayan, bayan ko”. Ayon sa kanta;

“Hindi tayo titigil hanggat hindi nagwawagi, ang ating mithii’y pagkakapantay-pantay, walang magsasamantala, walang mang-aapi – yan ang
sandigan ng ating pamumuhay. Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban!
Bayan, bayan, bayan ko… ‘di pa tapos ang laban mo. Rebolusyon ni
Bonifacio…”

Ngunit nang akong suriin at pag-aralan, sa palagay ko’y hindi komunismo ang magbibigay ng tunay na pagkakapantay-pantay sa bawat tao,
at kailanma’y hindi naging komunista si Bonifacio dahil sa totoo lang
ay nakuhugot siya ng inspirasyon sa rebolusyon ng Pransya at Estados
Unidos na pawang mga kapitalistang bayan.

Hindi magtatagal ay isasaksak ng mga grupong makakaliwa sa isipan ng
mga kabataang militante ang konsepto ng Dialectic Materialism. Maaaring
mauwi ito sa pagiging isang antagonista o ateyista ng isang kabataang
nahinuhaan ng ideolohiyang Komunismo.

Kung pilit na pinabubulaanan ng mga Dialectics ang paniniwala sa
pagkakaroon ng Diyos, sa paanong paraan naman nila mapapatunayang wala
ngang Poon? Isang bagay lang ang nakikita kong umiiral sa mga taong ito
– ang KAYABANGAN. Ating tunghayan kung paanong itinanggi ng mga
komunista ang paniniwala sa May-kapal, suriin nating maigi ang mga
linya ng kantang “L’Internationale” sa pagkakaliwat nito sa wikang
Tagalog:


“Bangon, sa pagkakabusabos
Bangon, alipin ng gutom!
Katarungáy bulkang sasabog
Sa huling paghuhukom.
Gapos ng kahapóy lagutin.
Tayong api ay magbalikwas!
Tayo ngayóy inaalipin,
Subalit atin ang bukas.

Itóy huling paglalaban
Magkaisát nang masaklaw!
Ang Internasyonal
Ang Sangkatauhan.

WALANG ibang maasahang
BATHALA o MANUNUBOS
Kaya ang ating kaligtasáy
Nasa ating pagkilos.
Manggagawa, bawiin ang yaman
Kaisipáy palayain.
Ang maso ay ating hawakan,
Kinabukasáy pandayin.

Itóy huling paglalaban
Magkaisát nang masaklaw!
Ang Internasyonal
Ang Sangkatauhan.”


Kung paanong ipinahayag ni Marx na ang relihiyon ay opyum lamang ng mga
mahihirap [dahil ang relihiyon ang nagbibigay ng pag-asa sa mga taong
binabayo ng kasipahayuan] sa ganoong paraan din niya isinaksak sa
isipan ng kaniyang mga disipolo na ang Komunismo ang opyum o tanging
pag-asa ng mga manggagawang pinagsasamantalahan ng kapitalismo!
At sa kung paanong paraan binangga ng Komunismo ang anumang relihiyon
ay ganoon din sila nakapagtatag ng isang “bagong relihiyon” sa mga
bansang Komunista, sa paanong paraan? Itinuturo nila na wala ng
pag-ibig ang mas hihigit pa sa pagmamahal sa lupang tinubuan. Ang isang
ultranationalist ay mayroong sentimento na tanging ang bayan lamang ang
pag-aalayan ng buhay at pakamamahalin, samakatuwid, na isasang-tabi ang
pagmamahal sa Diyos. Ang mga akda na isinulat ng mga lider-komunista
ang nagsisilbi nilang bibliya. Dito nakatuon ang mga prinsipyo, sistema
ng ekonomiya, politika, batas, militar, edukasyon at maging ang sistema
ng pamumuhay ng isang tao. Ang mga lider-komunista ang tumatayong mga
pinagpipitagang “santo”. Patunay nito ang mga rebulto, imahen at
simbolo ng lider-komunista sa mga kalye ng Moscow, Beijing, Pyongyang
at iba pa. Ang Maso at Karit naman ang simbolo ng bagong “relihiyong”
ito. Tanging ang mga kultural at rebolusyonaryong awitin at
pagtatanghal lamang ang pinapayagan sa mga bansang ito na siya namang
nagpapaalab sa damdamin ng mga tao tulad ng mga gospel songs ng mga
simbahan.

Tuluyan nang naglaho ang Unyong Sobyet noong 1991. Niyakap nila ang
polisiya ni Mikhail Gorbachev na “Demokratsiya, Perestroika at
Glasnost” na pawang tumutukoy sa pagbubukas ng ekonomiya. Ang China
naman ay nagbukas na rin ng ekonomiya nito noong panahon ni Deng
Xiaoping noong 1981 hanggang 1989. Nanatili man ang pinamumunuan ng
Partido Komunista ang China, ang polisiyang pang-ekonomiya naman nito
ay kapitalismo.

Tanging ang Nepal at Pilipinas na lamang sa ngayon ang mayroong
matagalang armadong pakikibaka sa ngalan ng ideolohiyang
Marxismo-Leninismo-Kaisipa
ng-Mao Zedong.

Oo, laganap ang kabulukan sa sistema ng pamahalaan natin ngayon,
laganap ang korapsyon at pagsasamantala sa uring manggawa, mababang
pasahod, pagkatali ng mga magsasaka sa lupang hindi pag-aari at iba pa
ngunit naniniwala ako na hindi na napapanahon ngayon ang ipinaglalabang
ideolohiya ng Partido Komunista ng Pilipinas [PKP].

Sanhi ng kahirapan na isinisisi sa pamahalaan, sinasamantala ito ng PKP
upang makakuha ng simpatya at suporta mula sa mga mamamayan, pobreng
magsasakang walang lupa at mga kabataang militante.

Ipagpalagay na nating naging matagumpay ang minimithing National
Democracy ng National Democratic Front [NDF]. Naipamahagi ang mga
lupang agraryo sa mga magsasaka at natupad nito ang mga ipinangako sa
sambayanan. Kabayan, maniwala ka, hindi doon magtatapos ang istorya
bagkus simula pa lamang iyon. Hindi maglalaon ang Partido ay ihahanda
na buong bansa mula sa Sosyalismo patungo sa panibagong yugto nito, ang
Komunismo. Ang mga lupang naipamahagi sa mga magsasaka ay muling
kakamkamin ng estado, magiging malakihan at kolektibo ang produksyon.
Sa madaling salita, ang anumang pag-aari ni Juan ay pag-aari ng bayan!
Isang lipunang classless.

Tulad noong panahong umiiral pa ang Komunismo sa bansang Finland,
malamang baka panay tsaa, suka, at asin na lang ang mga paninda ng
paborito nating sari-sari store ngayon.

Views: 389

Comment

You need to be a member of Spread the WORD of ISLAM to add comments!

Join Spread the WORD of ISLAM

© 2012   Created by Reverts to Islam.

Badges  |  Report an Issue  |  Terms of Service