Ating alamin ang Halal

Patnubay ng Allah(SWT) at kapayapa’y sumainyo mga kapatid ko sa Islam, Atin pong talakayin ang tinatawag na Halal.

Sa mga panahon ngayon na makabago na lahat ang teknolohiya sa lahat ng bagay lalo na sa pag gawa ng pagkain at gamit sa ating katawan dapat po tayong mga muslims ay maingat upang mapalayo tayo sa pagkapoot ni Allah at mawala ng kabuluhan ang mga samba natin sa kanya. Alalahanin po natin ang mga talata sa banal na KORAN, ang mga kasabihan o turo (Hadith) ng propeta Mohamad(A.S) tungkol sa HALAL: Ayon sa isang talata sa KORAN na sinabi ng ALLAH

“O Sangkatauhan! Magsikain kayo ng anumang mabuti at pinahintulutan (Halal) sa Islam dito sa kalupaan at huwag ninyong sundan ang mga yapak ni satanas. Katotohanang siya sa inyo ay lantad na kaaway”. (Ang Baka , 2:168) Ang tatlong mahalagang kasabihan o turo ng Propeta Mohammad: Hadith

1)“Ipinapangako ko sa Allah, na sinomang tao na makakain o makagamit ng Haram o di-halal,kahit na katiting man lang, ang mga magandang Gawain niyang samba(amal) sa loob ng apatnapung(40) araw ay walang kabuluhan”.2)“ May pagkakataong sasapit sa aking tagasunod, na di nila ipagmamalasakit o alintana kung anuman ang kanilang makakain o magagamit maging ito man ay Halal or Haram. Kung sasapit man ang mga bagay na ito, wala man sa kanilang mga samba ang matatanggap.”(Al-Tirmidhi/Al Muslim)

3) ” Oh Ali, meron labindalawang patakaran sa pagkain ang apat ay tungkulin, ang apat ay sunnah at ang apat ay pag uugali; Tungkulin mong alamin ang pinagmulan, bigkasin ang pangalan ng Allah, pasasalamat sa Allah, kontento sa biyaya ng Allah; Sunnah ang pag upo sa kaliwang paa, paggamit ng tatlong daliri, ang pagkain ay malapit sa iyo at pag dila sa mga daliri; Pag uugali sa tuwing kumakain ang pag huhugas ng kamay, sapat sa liit ang sinusubo, mahiging pag nguya sa pagkain at iwasang palaging pagtinginan sa mukha ng kaharap mo.”

Atin pong masusing susuriin ang mga banal na kasabihang yan, kung tayo ba’y tinatamaan?Ang mga sumusunod ay dapat nating paka iingatan upang mapalayo tayo sa haram.

- Gelatin- galing sa hayop,seaweeds(halal), ginagamit ngayon sa Ice Cream, Marsmallow, Capsules at iba pa.

- Lard- taba ng baboy.ginagamit sa bakery,ointments, pabango, pulbos gatas, kung nakalagay sa lata ay Veg. Lard, mayron paring taba ng baboy.Walang problema kung Veg.Oil.

- Vanilla- galing sa halaman, subalit nakukuha lamang ito kung may ethyl Alcohol(Haram)

- Enzyme- galing hayop o bacteria, ginagamit sa pagbuo ng Cheese(haram) or Whey(haram) at iba pa.

- Ethyl Alcohol- hinahalo sa Mouthwash at softdrinks at iba pa.

- Collagen- galing sa hayop na ginagamit sa shampoo at iba pa.

- Tallow- galing sa hayop o halaman, ginagamit sa toothpaste,sabon at kandila.

- Lecithin, galing sa halaman at hayop. Hinahalo sa produktong pagkain.

- Burger- may halong galing sa baboy.

- Human Placental Fluid, hinahalo sa pabango at sabon.

- Mga Restaurants na may tatak na halal na hindi naman Sertipikadong Halal.

- Balahibo ng Baboy ginagamit sa paggawa ng Cake.

- Abo or ashes ng baboy o Formalin sa paggawa ng Pinong (refined)Puting Asukal.

- Kawalang malay ng isang muslim sa mga ginagamit sa pagkain(Muslim Ignorance on Halal).

- Paghahalo ng Halal na karne at karne ng baboy sa isang lutuan at malamig na lalagyan(Fastfoods like Jollibee,Chowking,MacDo etc).

- Sausages(Hotdog,tocino) binabalutan ng bituka(intestine) ng baboy.

- Balat ng Aso at Baboy sa paggawa ng sapatos,pitaka at sinturon.

- Chicken Cubes/Broth hinahalo sa Halal na niluluto.

- Mga katayan (Slaughterhouses) ng baka, naghalo sa kinakatay na baboy.

- Napakarami pang iba.

Kung atin pong pag aralan ang mga nabanggit na bagay ay tunay pong nakakalungkot kung tuluyan nating ipagwalang bahala , mismo ang sumulat na ito ay di parin makakatiyak kung tuluyan ng mapalayo sa banta ng mga banal na utos ng diyos sa nabanggit na bagay.Masasabi natin kung ang isang bagay na nabanggit ay galing sa halaman ay wala pong problema, ito po ay Halal, subalit kung ito ay galing sa hayop , maging baboy man o baka at kambing ito ay problema. Kung galing sa Baka,kambing,tupa , manok at kalabaw , ang maging tanong dito ay “Nakatay ba siya ayon sa paraan ng Islam(Zabhiya)?”

Kung titingnan natin sa talata sa KORAN, nabanggit na ang mga Kinatay ng Tao sa Aklat(People of the Book:Jews and Christians)o Ahklul Kitab (tunay na kinikilala ng Islam)ay pinahintulutan pong makain ng isang muslim. Subalit kung ating titingnan ang mga Kristiyano sa Pilipinas na dating mga Muslim bago pa dumating ang mga kastila, ay mag kaiba sa Kristiyano sa panahon ng propeta Mohamad.Ano ang pagkakaiba ayon sa sumulat na ito?

Ang mga kristiyano noon sa panahon ng propeta ay tunay na sinusunod ang Torah o Lumang tipan at Injil o bagong tipan, ano ang nakalagay sa lumang tipan, LEVITICUS chapt.11,verses 7,8

Subalit malinaw sa turo ng islam, “Kainin lamang ang halal, kung alanganin kayo iwasan ito, pinahintulutan lang kayo sa mga bagay na puro at malinis”.

” Huwag ninyong gawing marumi ang inyong pagkatao sa paraan ng pagkain ng mga ipinagbawal, Ako ang Diyos na inyong sinasamba, at inyong panatilihing banal ang inyong pagkatao, sapagkat ako ay banal”(Leviticus 11:43-44).

Sa mga bagay na ito, ang isang Muslim, ay na aayon lamang sa paraan ng kanyang pamumuhay maging ito ay Halal o Harm. Atin pong isipin na Walang Muslim kung walang samba,Walang samba kung walang kalinisan at walang kalinisan kung walang Halal.

Sa ngayon ang Halal ay isa na itong pangkalakalan na masasabi nating nahuhuli naman ang Pilipinas.

Tingnan natin ang mga nangyayari sa ibang Hindi Muslim na Bansa.

-Thailand, (parang Pilipinas, kakaunti ang muslims 5-10 percent), sa tulong ng hari at ministro sa muslim, nangunguna sila sa pang labas na kalakalan sa Halal mula sa pangsakahan at gamit sa katawan, napasukan ang mga bansang Muslim. US$ 6.3 Billion kada taon.

- Australia, napakakaunti ang muslim,(1.5%) nangunguna sa Halal na karne para sa mga bansang muslim. US$ 3.2 Billion in 2002( US$ 320Million kada taon).

- Halal Supermarket sa Washington DC, USA natatag mahigit tatlongpung taon(30 years) na.

- Pitong Estado sa USA may Batas Sa Halal tulad ng Michigan, Illinois, New Jersey, Minnesota, California ,Texas at Virginia.

-Mga Unibersadad sa America ay Sertipikadong Halal na Kusina at kuwartong sambahan ng Muslim.

- Mga Fastfoods sa United Kingdom marami ng Sertipikadong Halal.

- Sa Bangkok may Sertipikadong halal na Hotel (Chalena Hotel) at halal na kusina ng Rhamkamhaeng Hospital.

Ilan lamang po yan sa magagandang nangyayari sa ibayong dagat na ang ating mahal na bansa ay nahuhuli naman, ano kaya ang dapat gawin nating mga Muslims dito sa Pilipinas?

Hindi pa po huli ang lahat , ayon sa sumulat na ito, sa mababaw niyang pananaw ang mga dapat gawin natin upang mapalayo sa banta ng banal na kasulatan at makakatulong sa ekonomya ng Pilipinas ay ang mga sumusunod:

- Magtatag tayo ng malakas na Muslim Consumer Association sa Mindanao o buong Pilipinas, ito ay magsilbing tagabantay.

- Suportahan natin ang Muslim Mindanao Halal Certification Board. Na may magandang panuntunan sa Halal Sertipikasyon, binubuo ito ng mga meyembro ng darul iftah at mga muslim na bihasa (expert) sa kanikanilang pinag aralan tulad ng Medisina,Beterinaryo at iba pa. May buwanang inspekyon, at biglaang inspeksyon at higit sa lahat dapat may Muslim na mangagawa sa isang establismento na kukuha ng Halal Sertikasyon.

- Sa mga may pera bubuo tayo ng Halal Corporation, upang tayo na mismo ang gagawa ng ating mga produkto, magtayo ng Halal na Kainan at Pamilian.

- Sama sama tayong mag dawaah sa nalalaman natin tungkol sa Halal.At magbigay aral din sa mga kapatid nating di-Muslim ang tungkol sa halal.

- Maging maingat tayo sa mga produkto basahin ang labelo ng di lata at dapat Sertipikadong Halal.

- Hindi ibig sabihin na ang produkto or kainan na Sertipikado na halal ay halal na,dapat suriin din kung ang nagbigay ng sertipikasyon ay hindi kadudaduda, marami ngayon nagbibigay ng sertipikasyon sa halal na nakakaduda,dahil wala silang muslim na beterenaryo, medisina at food scientist.

- Mga kainan or restaurants o kasalan na pag aari ng hindi muslim at hindi sertifikado nag halohalo sa kusina at ang nagluluto ay walang alam sa Halal.

- Palagian natin banggitin sa masjid ang halal tuwing Jumaah.

- Palagi nating palalahanan ang mga anak natin tungkol sa halal.

- Dapat na makiisa ang mga politiko sa kampanya ng Halal, sa pagbuo ng ordinansa or Batas (political will).

- Ugaliin sa bahay na lang magluto at magkain at magsanay ng prutas ang kainin.

- At marami pang ibang bagay na makakatulong sa Halal.

Upang hindi tayo masisi ng mga sumusunod nating mga anak, at kung talagang sinusunod natin ang mga banal na turo ni Allah tungkol sa halal, tayo’y magsamasama sa pakikibaka at ating ibahagi ang mga nalalabi pang taon nating pamamalagi sa mundo para sa Halal.

Wassalam.

Sumasainyo’t nagpakumbaba sa pangalan ng Allah.

DR. NORODIN AMPATUAN KUIT -Halal Advocate

Veterinarian (Lic. Nos. 1995) 9th placer 1984 Vet Licensure Exam.

Views: 54

Tags: Halal

Comment

You need to be a member of Spread the WORD of ISLAM to add comments!

Join Spread the WORD of ISLAM

Comment by Rosalina (Aisha)Reducto on March 15, 2010 at 9:27pm
Maraming salamat sa naidagdag mong kaalaman tungkol sa halal at haram.Dahil mahirap para sa atin na mamumuhay sa haram at doble ang parusa sa atin ni Allah Subhana Wataala pagsinuway natin ang kagustuhan niya.
Comment by Grichiel "Ashadieeyah" Samones on March 13, 2010 at 8:43am
Salam! Shukran po brother Dr. Kuit. Nakakalungkot pong isipin na karamihan po sa ating mga kapatid na muslim ay walang sapat na kaalaman tungkol sa halal at haram. Ang iba naman po'y may kaalaman subalit minsay wala na lang choice sa pagkain at pagamit ng mga haram.

Kagaya ni sis mariam, isa rin po akong bagong balik islam at marami pa po akong hindi nalalaman sa katuruan ng Islam, kabilang na po dito ang tungkol sa halal at haram na mga pagkain at bagay-bagay. Nagulat nga po ako sa pagkabasa ng blog na ito...Shukran po at nadagdagan na naman po ang knowledge ko, at, Inshallah, naway mapalaganap po ang katuruang ito.
Comment by Mariam on March 13, 2010 at 3:24am
As sallamu alaykum waramatulahi wa barakatuh!

SAlamat po Bro., Doctor.!
Sa isang bagong balikislam na kagaya ko, gustong-gusto kong malaman ang lahat ng katuruan ng ISlam, lalo na ang mga HAram na bagay at Pagkain. Salamat po sa information na mga blogs ninyo. Sana po makarating sa lahat ng Muslim at kinauukulan ang inyong magandang proyekto. Inshaallah.

© 2012   Created by Reverts to Islam.

Badges  |  Report an Issue  |  Terms of Service