AYOKONG MAG-HIJAB....ME ANGAL KA???
Monesa: “Naku, nakakapagud!.” Aminah: “Saan ka naman napagud?” Monesa: “hay naku! Sa mga tao na akala mo mga santa kung magsalita!” Aminah: “Sino na naman ba yang pinaparinggan mo, ha?” Monesa: “Yong matandang babae sa masjeed. Puro hijab na lang ang kanyang bukang bibig.” Aminah: “Oh, hijab and music! The mother of all topics!” Monesa: “Yeah! I listen to music without hijab… haha!” Aminah: “Siguro concern lang yong matanda sa iyo kaya pinapa alalahanan ka nya.” Monesa: “Hindi ko kailangan ang pagpapa-alala nya. Alam ko ang aking ginagawa. Napaka- pakialamera talaga?” Aminah: “Siguro hindi lang kayo nagkaka-intindihan. Nagmamalasakit lang siguro yong tao.” Monesa: “Huwag na lang sana nya ako pakialaman, yon ang gusto ko…” Aminah: “Pero sis, kelangan sa ating mga Muslim ang mag paalala sa kapwa upang ating maituwid an gating landas.” Monesa: “Huh?? lalo lamang nya pinapalala ang sitwasyon.. Ano ba ang ibig mong sabihin “pagtutuwid ng landas”? Matuwid naman ang landas ko ah?” Aminah: “Well, ang hindi pagtatakip ng buhok e.i. wearing hijab, ay isang dahilan kung bakit tayo ay napapariwara.” Monesa: “Hmp, sino naman ang nagsabi sa iyo?” Aminah: “Hindi ba nasa Quran ang kautusan na yan??” Monesa: “Yup, pero hindi naman yon mabigat na kasalanan, ah. Pagtulong sa kapwa at pag pray ang mas importante kaysa pag gamit ng hijab.” Aminah: “Tama, pero simulain ng lahat ng Gawain ay sa maliit. Kadalasan ang maliit na bagay ang syang nakakapuwing, di ba?” Monesa: “Hindi naman ganuon ka importante kung ano ang aking isusuot na dapat akong ma “puwing”!! Ang importante ay may maganda akong saloobin.” Aminah: “Hindi importante kung ano ang iyong suot?” Monesa: “Yup, me angal ka ba?” Aminah: “Wala naman pero kung TALAGANG hindi importante sa iyo kung ano ang iyong isusuot, bakit inaabot ka ng isang oras at mahigit sa pagbihis lang??” Monesa: “Ano ba ang gusto mong tukuyin, ha?” Aminah: “Gumagasto ka ng malaking pera para lang sa make-up mo, cream mo at marami pang bubuwit jan. Kahit nga lang sa pag suklay inaabot ka na ng siyam-siyam. Di ba importante yon?” Monesa: “So?” Aminah: “So, kung ano man ang ayos mo, e.i. pananamit ay mahalaga.” Monesa: “Hindi yan ang tinutukoy ko, no! Ang sabi ko pag gamit ko ng hijab ay HINDI importante sa ating relihiyon!” Aminah: “Hmm kung hindi importante ang pag gamit ng Hijab sa ating relihiyon, bakit binanggit ito ng Allah sa Quran?” Monesa: “Naku, hindi naman lahat ng nakasaad sa Quran eh dapat nating gawin, ‘no!” Aminah: “Ang ibig mo bang sabihin kahit ipinag-utos ng Allah ay OK lang kung ito ay hindi gawin?” Monesa: “Ang Allah ay mapag-patawad.. di tulad ng tao, mapang husga!” Aminah: “Alam mo, ang Allah ay nagpapatawad sa mga taong marunong humingi ng kapatawaran at handang mag-bago. Hindi sa mga taong pilosopo.” Monesa: “Huh, saan mo naman nasagap yan?” Aminah: “Saan pa eh di sa Quran…” Monesa: “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Basta ayaw ko mag hijab. Hindi ako maka kilos ng maganda para akong nakatali, walang kalayaan!” Aminah: “Bakit, hindi kaba nakatali sa mga lotion mo? Paano ang pag gamit mo ng lipsticks, mascara at kung ano-ano pa?! Ano ba ang ibig sabihin ng KALAYAAN sa iyo, ha??” Monesa: “Kalayaang gawin ang gusto kong gawin!” Aminah: “Nope. Kalayaan ay ang gumawa ng tama at hindi ang magpabilanggo sa ating pagnanasa.” Monesa: “Look! Marami na akong nakilalang mga tao na naka hijab nga pero ang sungit naman tulad nuong matanda sa Masjeed. Mas mabait pa ang mga taong hindi naka NINJA. Mas tunay na tao!” Aminah: “Sabagay, marami naman jan mga mababait kahit na sila ay lasenggo….hmmm ibig ba sabihin nito, kelangan nating maging masama upang maging mabuti!” Monesa: “Naku ha, ayoko maging extremist o di kaya eh fanatic. I’m OK the way I am without hijab.” Aminah: “Hindi mo ba alam sa pananalita mo pa lamang eh bulag kana sa katotohanan?” Monesa: “Hindi mo kase ako naiintindihan eh! Sa tingin mo ba may mag-aasawa pa sa akin kung magmukha akong madre?!” Aminah: “Lahat ba na nakilala mong naka-hijab eh matatandang dalaga? Iyong matandang babae na kinamumuhian mo me asawa’t anak naman yon, ah?!” Monesa: “Okay! Sabihin na lang natin na nakapag-asawa nga ako. Paano kung ayaw ng asawa ko ang babaeng mukhang promdi?” Aminah: “Hmmmm ano kaya’t kayagin ka ng asawa mong mag nakaw, sasama ka rin kaya?!” Monesa: “Hindi no’. Kahit ang liit ng tingin mo sa akin, alam ko naman na ang pagnanakaw ay masama.” Aminah: “Ang pagiging suwail sa Allah ba ay hindi masama??” Monesa: “Bakit ba kelangan pag-awayan natin ang tungkol sa relihiyon dahil lang sa hijab, ha?” Aminah: “Bakit ba nakasalalay ang pagkababae mo sa high heals, lipstick at make-up, ‘ha?” Monesa: “Hindi mo sinagot ang tanong ko!” Aminah: “Sa totoo lang, nasagot ko na. Ang hijab ay hindi basta-basta tela lang. ito ay sagisag ng ating pagiging masunurin sa kautusan ng Allah..Ito ay ating proteksyon sa mga malalaswang mata ng mga kalalakihan. Naisip mo ba kung ano ang maaring magyari sa pagsusuot mo ng short sleeves, tight pants…?” Monesa: “Nakuuuuuuuu! Talagang ang Maria Clara ng aming pamilya! Ang tawag po jan ay ‘fashion’…besides, ang hijab ay tanikala ng mga lalaki upang kanilang makontrol ang mga babae..ayoko ang walang kalayaan.” Aminah: “Ganoon? Sa tingin mo ang “fashion” ay hindi gawa ng mga kalalakihan?? Sa totoo lamang sister, kung sino man ang sumusunod sa “fashion” ay syang bilanggo sa kalaswaan ng mga kalalakihan!” Monesa: “Naku, mali ka jan. I wear what I want, I do what I want. Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin ng tao. Yan ang kalayaan na tinutukoy ko!” Aminah: “Hindi ba ang “fashion” na nakikita sa TV at Magazines ay ihemplo ng mundo ng mga kalalakihan? Gusto ka nilang mag hubad at ang kagustuhan nilang ito ay idinadaan sa ngalan ng “fashion”..ang pag-sunod ay katumbas na rin ng pagiging bilanggo sa lahat ng kanilang kagustuhan?” Monesa: “Nope, kagustuhan ko kung ano sa mga fashion ngayon ang pipiliin ko.” [Silence] Aminah: “Ang hijab ay bukod tanging “fashion” sa mundo na walang impluwensa ang tao...” Monesa: “Ano ang ibig mong sabihin?” Aminah: “Ang hijab ay hindi iniutos ng tao, dahil ito ay kautusan ng Allah. Ang hijab ay hindi na kakailanganin ang marami pang palamuti, madaling isuot at hindi pa mabigat sa bulsa.” Monesa: “Kung magsalita ka parang free ang hijab…hindi ba binibili rin ito? Doh…?!” Aminah: “Oo naman…binibili rin ito pero hindi tulad ng “fashion” na kung saan ang mga kalalakihan ang nagdidikta sa iyo.” Monesa: “Hay naku, huwag na nating pag talunan ang hijab. Kahit ano pa ang sasabihin mo AYOKONG MAG HIJAB! Period!!” Aminah: “Fine. Sabihin mo yan sa Allah sa Judgment Day.” Monesa: “Fine.” Aminah: “Fine.” [Silence] Humarap si Monesa sa salamin, pagud na sa pakikipag talu tungkol sa hijab..hijab..hijab..hijab…kelan kaya ito matatapus??? PHEW! Ngunit hindi sya mapalagay, binabagabag din sya ng kanyang konsensya…ilan kaya sa atin ang may ganitong paniniwala? “And he (/she) is indeed a failure who corrupts it [the soul]!” [Quran 91:10] Subhana’Allah!!! “Nay! You prefer the life of this world; While the hereafter is better and more lasting.” [Quran 87:16-17] “You are the best community (Ummah) raised up for (the benefit of) humanity; enjoining what is right and forbidding what is wrong and believing in Allah.” [Quran 3:110] I-share po natin ito, fee sabilillah at manalangin po tayo n asana ay magbigay aral at daan upang tayo ay magbalik loob sa Allah at ituwid na natin ang baluktot nating paniniwala bago pa man dumating ang KAMATAYAN!
Comment
Comment by ibrahim on December 27, 2011 at 8:38pm assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuh,
alhamdulillah, pasensya na mga kapatid at medyo mahaba pala ito kya putol-putol ang pagpost,so ang nasa hulihan ay yaong nasa itaas, paki unahin nalng sa ibaba upang ating maunawaan ng mabuti ang tungkol sa hijab na madalas din itinatanong ng mga hindi-Muslim, maraming salamat , naway gantimplaan tayo ni ALlah ,ameen
Comment by ibrahim on December 27, 2011 at 8:34pm
Ang Estados Unidos ng Amerika ay isa na sana sa pinaka-nangungunang mga bansa sa Mundo. Ito rin ay mayroong isa sa pinakamataas na bilang ng mga panggagahasa kaysa alin mang bansa sa Mundo. Ayon sa ulat ng FBI, noong taong 1990, bawat araw sa pangkaraniwan ay 1756 na mga kaso ng panggagahasa ay ginawa sa U.S.A. lamang. Pagkalaunan ay may isang pang ulat na nagsabi na sa karaniwan bawat araw ay 1900 na mga kaso ng panggagahasa ay ginawa sa U.S.A. ang taon ay hindi na binaggit. Baka yaon ay 1992 o 1993. Malamang ang mga Amerikano ay mas-lumakas ang mga loob ng mga taong yaon.
Bigyan mo ng pansin ang sinaryo kung saan ang hijaab ng Islam ay sinunod sa Amerika. Kapag ang lalaki ay tumingin sa babae at kung merong pangit o nakakahiyang pagiisisp ang puamasok sa kkaniyang kaisipan, ay ibaba niya ang kaniyang paningin. At bawat babae ay nakasuot ng hijaab ng Islam, na buong katawan niya ay natatakpan ng pananamit maliban sa mukha at kamay hanggang sa pulsuhan. at pagkatapos nito, kung sino mang lalaki na nanggagahasa ay papatawan ng parusang kamatayan. Tanungin kita, sa ganong sinaryo, ang bilang ba ng panggagahasa sa Amerika ay tataas, mananatili sa ganong bilang o ito ay bababa?
Syempre kapag ang batas ng Islam ay ipinatupad agad, ang positibong resulta ay hindi maiiwasan. Kapag ang batas ng Islam ay ipinatupad saan mang bahagi ng Mundo, maging sa Amerika o Europa man, ang lipunan ay makakahinga ng maluwag. Ang hijaab ay hindi nagpapababa ng babae kundi itinataas nito ang katayuan ng babae at iniingatan nito ang kaniyang karangalan at kalinisan.
naway patuloy tayong gabayan ni Allah sa matuwid Niyang landas, ameen
Comment by ibrahim on December 27, 2011 at 8:31pm
Ang kadahilanan kung bakit ang hijaab ay inirekomenda para sa mga kababaihan ay binanggit sa Qur’an sa mga talata ng Surah Al-ahzab: (ang kahulugan) “O Propeta! Sabihin mo sa mga asawa mo at mga anak na babae, at mga naniniwalang kababaihang Muslima na kailangang maglagay pa ng panglabas na pananamit o belo sa buong katawan nila (kapag lumabas ng bahay). Yan ay mas nakakabuti, upang sila ay makikilala (na mga kagalang-galang na mga babae) at hindi sila tutuksuin (o bibiru-biruin o iinisin sa kalye). At si ALLAH ang laging Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.”
(Al-Qur’an 33:59)
Ipagpalagay natin na mayroong dalawang babaeng magkapatid na kambal, at parehong magaganda, ay naglalakad sa kalye. Ang isa sa kanila ay nakasuot ng hijaab ng Islam – na ang buong katawan ay natakpan ng pananamit maliban sa mukha at mga kamay hanggang sa may pulsuhan. Ang isang kambal ay nagsusuot ng kanluraning pananamit, ng maiksing palda o shorts. Diyan sa bandang kanto ay merong tambay o loko na naghihintay ng mabiktima na tutuksuing babae. Sino sa kanila sa palagay mo ang tutuksuin niya? Ang babaeng nakasuot ng hijaab ng Islam o ang babaeng nakasuot ng palda o ng kahit anong maiksi? Siyempre agad niyang tutuksuin ang babaeng nakasuot ng maiksi. Ang ganong damit ay kusang mapang-akit o mapanghikayat sa kabilang kasarian (lalaki) na siya ay tuksuin o pagnanaisan. Tama ang sinabi ng Qur’an na ang hijaab ay humahadlang na tuksuin o pagtangkaan ang mga kababaihan.
Sa ialalim ng batas ng Islam, ang lalaking mapapatunayang nanggahasa ng babae ay pinapatawan ng parusang kamatayan. Marami ang namangha nitong malupit na kaparusahan. Ang ilan pa ay nagsabi na ang Islam ay walang awa at barumbadong relihiyon. Tinanong ko ng isang simpleng tanong ang daan-daang mga kalalakihang hindi Muslim. Na ipagpalagay, wag sanang ipahintulot ng Dios, na may gumahasa sa iyong asawa o sa iyong nanay o sa iyong anak na babae. At iakw ang ginawang Huwes at ang lalaking nanggahasa ay dinala sa harapan mo, anong parusa ang ipapataw mo sa kaniya? Lahat sila ay nagsabi na papatayin nila ang taong iyon. Ang ilan pa ay nagsabi na pahihirapan (tortyurin) nila hanggang sa mamatay. Aking itinanong sa kanila, kung may taong gumahasa sa iyong asawa o sa iyong nanay o sa iyong anak na babae gusto mong parusahan ng kamatayan. Ngunit kung ang ganong krimen ay ginawa sa asawa o anak na babae ng ibang tao ay sasabihin mong ang parusang kamatayan ay barumbado. Bakit kailangang maging dalawa ang pamantayan?
Ang sinasabi ng Kanluran na pagbibigay laya sa mga kababaihan ay walang iba kundi isa lamang pagbabalat-kayong anyo ng paggamit ng kaniyang katawan, paghamak ng kaniyang kaluluwa at pagkakait ng kaniyang karangalan. Ang Kanluraning lipunan ay umaangkin na na ‘itinaas’ daw nila ang katayuan ng mga kababaihan. Sa totoo niyan, ay tunay na hinamak nito sila sa kalagayan bilang mga kabit, kalaguyo at mga paru-parong panlipunan na naging mga kasangkapan lamang sa mga kamay ng mga uhaw ng kasiyahan at nagbebenta ng laman, na nakatago sa likod ng makulay na pinilikang tabing ng ‘arte’ at ‘kultura’.
Ang Estados Unidos ng Amerika ay isa na sana sa pinaka-
Comment by ibrahim on December 27, 2011 at 8:29pm Hijaab para sa mga kalalakihan
Ang mga tao ay madalas pinaguusapan lamang ang hijaab na ang tinutukoy ay sa mga kababaihan. Ang Qur’an ay nagbanggit sa Surah Noor: (ang kahulugan) “Sabihin mo sa mga naniniwalang kalalakihang Muslim na dapat ibaba nila ang kanilang paningin (sa patitig sa mga bagay na ipinagbabawal), at ingatan ang kanilang maseselang bahagi ng katawan (sa mga ipinagbabawal na Gawain nito): yan ay mas dalisay para sa kanila. Tunay na si ALLAH ay Nakakabatid ng ano man ang ginagawa nila.” (Al-Qur’an 24:30)
Kapag ang lalaki ay napasulyap sa babae at kapag mayroong hindi magandang pag-iisip o pagnanasa ang pumasok sa kaniyang isipan, ay kailngang ibaba niya ang kaniyang paningin (iiwas).
Hijaab para sa mga kababaihan
Ang kasunod na talata ng Surah Noor, ay nagsasabi: (ang kahulugan) “At sabihin mo sa mga naniniwalang kababaihang Muslimah na ibaba nila ang kanilang paningin (sa pagtitig sa mga bagay na ipiinagbabawal), at ingatan ang kanilang maseselang mga bahagi (sa mga ipinagbabawal na gawain nito) at huwag nilang ipakita ang kanilang alindog at magandang kasuotan maliban sa kung ano lamang ang ordinaryong nakikita (tulad ng mga mata upang Makita ang dinadaanan at mga likod ng palad at mga pananamit na belo, pantakip sa buhok, gwantes atibpa) at magtakip ng belo sa buong katawan (leeg, mukha, tiyan, atibpa) at huwag ipakita ang kanilang mga kagandahan maliban sa kanilang mga asawa, ama, ama ng kanilang mga asawang lalaki, at kanilang mga anak….” (Al-Qur’an 24:31)
Ang unang basihan ay ang hangganan sa katawan na kailngang takpan. Ito ay magkaiba sa mga kalalakihan at mga kababaihan. Ang obligadong hangganan na kailangang takpan ng lalaki sa kaniyang katawan ay simula sa pusod hanggang tuhod. Sa mga kababaihan naman ang obligadong hangganan na kailangang takpan ay buong katawan maliban sa mukha, ang mga kamay hanggang sa may pulsuhan. Kung nanaisin pa nila, ay maaari din nilang takpan angmga bahaging ito ng kanilang katawan. Ilan sa mga dalubhasa sa Islam ay iginigiit na ang mukha at mga kamay ay bahagi pa ng obligadong hangganan ng hijaab.
Ang lahat na natitira pang limang mga basihan ay magkatulad na sa mga kalalakihan at mga kababaihan.
Ang kompletong hijaab, maliban pa sa anim na mga basihan ng pananamit, ay kasama rin ang mabuting asal, kilos, pag-uugali at layunin ng bawat isa. Ang taong tinutupad lamang ang mga basihan ng hijaab ng pananamit ay ginagawa ang hijaab sa limitadong pang-unawa. Ang hijaab ng pananamit ay kinakailangang sinasabayan ng hijaab ng mga mata, hijaab ng puso, hijaab ng pag-iisip at hijaab ng layunin. Kasama rin ditto (ang pamamaraan) paano lumakad angisang tao, paano siya magsalita, paano siya kumilos, at ibpa.
Comment by ibrahim on December 27, 2011 at 8:27pm assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuh,
alhamdulillah mashaAllah napakaganda ng dialogue na ito ng ating mga sisters, jazakallahu khayran bro.
nais lamang din natin ibahagi ang tungkol sa hijab na kasama sa 20 Most Common Questions asked by Non-muslims - by Dr. Zakir Naik- isinalin sa pilipino ni Bro ibrahim abu abdrurahman
Tanong:
Bakit pinababa ng Islam ang mga kababaihan sa pamamagitan ng pagtago sa kanila sa likod ng belo?
Sagot:
Ang katayuan ng mga kababaihan sa Islam ay madalas sentro ng atake sa media na walang kaugnayan sa relihgiyon. Ang hijaab o ang pananamit sa Islam ay tinuturing ng marami na halimbawa daw ng pagsupil o paghamak ng mga kababaihan sa ilalim ng batas ng Islam. Bago pa man natin susuriin ang kadahilanan sa likod ng relihiyosong ipinatupad na ‘hijaab’, ay atin munang pag-aralan ang katayuan ng mga kababaihan sa mga lipunan bago pa man dumating ang Islam.
Ang mga sumusunod na mga halimbawa mula sa kasysayan ay sapat na maglalarawan ng katotohanan na ang katayuan ng mga kababaihan sa nakaraang sibilisasyon ay napakababa sa punto na sila ay pinagkaitan na ng pangunahing pantaong dignidad.
Ang mga kababaihan ay hinamak at pinagkaiitan ng anomang karapatan sa ilalim ng batas ng Babylonia. Kapag ang lalaki ay makapatay ng babae, sa halip na siya ay parusahan, ang kaniyang asawang babae ang ilagay sa parusang kamatayan.
Ang Gregong Sibilisasyon ay tinuturing na pinakamaluwalhati sa lahat ng mga matandang sibilisasyon. Sa ilalim nitong ‘maluwalhating’ sistema, ang mga kababaihan ay inalisan ng anomang karapatan at mababa ang tingin sa kanila. Sa Gregong Mytholohiya, ang kathang-isip na babaeng tinatawag na ‘Pandora’ ay siyang ugat na sanhi ng kamalasan ng sangkatauhan. Tinuturing ng mga Grego ang mga babae na hindi tao at mas-mababa kaysa sa mga kalalakihan. Kahit ang marangal na kalinisan ng mga kababaihan ay kanilang pinahahalagahan, at ang mga kababaihan tinitingala ng mataas, ang mga Grego sa bandang huli nagging alipin ng mga sariling pagnanasa at mga likong sekswal na pagkahumaling. Ang prostitusyon ay naging karaniwang gawain sa lahat ng uri ng Gregong lipunan.
Nooong ang Romanong Sibilisasyon ay nasa tugatog ng kaniyang ‘kaluwalhatian’, ang lalaki ay mayroong karapatang patayin ang kaniyang asawang babae. Ang prostitusyon ang kahubaran ay karaniwan na sa mga Romano.
Tinuturing ng mga Egipcio ang mga kababaihan na masasama at bilang isang tanda ng diablo.
Bago pa man lumaganap ang Islam sa Arabia, ay mababa din ang tingin ng mga Arabosa mga kababaihan at madalas na kapag ang babaeng bata ay ipinanganak, ay inililibing siyang buhay.
Itinaas ng Islam ang katayuan ng mga kababaihan at binigyan sila ng karapatan mula pa noong 1400 mga taon na ang nkalipas. Inaasahan ng Islam na itaguyod ng mga kababaihan ang ganon nilang katayuan.
Hijaab para sa mga kalalakihan
Ang mga tao ay madalas pinaguusapan lamang
TUITION FREE
Come Join us in seeking knowledge for the SAKE of Allah ta'ala Alone.
Abu Hurayrah relates that the Prophet(peace be upon him) said, "For him who embarks on the path of seeking knowledge, Allah will ease for him the way to paradise." (Related by Muslim)
Why did we embrace ISLAM? (Bakit ko niyakap ang Islam)
Please share your story on the blog and we will add the link here.
1. Sister Zahra Salvacion
2. Sister Aminah from US
3. Brother Jameel Lumanog
4. Arvin Ahmed Cayabyab
5. Priest and preachers enter Islam by Yusuf Estes
6. Dr. Dirks is a former minister (deacon) of the United Methodist Church. He holds a Master's degree in Divinity from Harvard University and a Doctorate in Psychology from the University of Denver.
7. Reverend Armando Barcelon
© 2012 Created by Reverts to Islam.
You need to be a member of Spread the WORD of ISLAM to add comments!
Join Spread the WORD of ISLAM