Kung mayroon mang gumagawa ng masamang gawing ito, nararapat niyang talikuran ang bisyong ito at buhayin sa kanyang puso ang mga ugat ng katapatan, pagkakaisa at
pagkakasundo sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:
q Magmuni-muni ka ng ilang saglit sa mga epekto ng
kasalanang ito dito sa mundo at sa Kabilang-Buhay. Muni-munihin ang
katakut-takot at kakila-kilabot na mga pangyayari na iyong mararanasan sa
libingan, Barzakh (purgatoryo), at sa Araw ng Muling-Pagkabuhay.
Unawaing mabuti ang mga kataga ng Banal na Propeta (s) at ng kanyang pamilya
(‘a) sa dahilang ang kanilang mga perlas ng dunong hinggil dito ay gagapi sa
iyo. Pagkatapos isaalang-alang mo ang isang saglit na kawilian, tsismis at
kaluguran ng pagnanasang guniguni laban sa daan-daang taong kahirapan o
walang-hangganang kapahamakan sa impiyerno at walang-katapusang mahapding
kaparusahan!
q Alalahanin ito: kahit na may hinanakit ka sa taong
sinisiraan mo ng puri, ang hinanakit na ito ay hindi nangangailangang ikaw ay
manirang-puri. Nakasaad sa mga tradisyon (hadīth) na ang mga mabubuting
gawi ng naninirang-puri ay naililipat sa aklat ng mga gawi ng kanyang
sinisiraang-puri, at ang mga kasalanan nito ay maililipat sa talaan ng
naninirang-puri.
q Magsisi at humingi ng kapatawaran sa biktima, kung ito ay
posibleng hindi magdulot ng mga masamang kahihinatnan; kung hindi ay himingi ka
ng habag ng Panginoon para sa biktima.
q Buong-lakas mong linisin ang iyong kaluluwa mula sa
kasalanang ito sa pamamagitan ng pagsumpa sa sariling umiwas sa masamang gawing
ito sa loob ng takdang panahon. Pigilin mo ang iyong dila at maiging bantayan
ang sarili at pangaralan nang mahigpit ito. Harinawa, sana paglipas ng ilang
panahon matutuklasan mo ang iyong sariling nagbago at ligtas sa mga masamang
bakas nito. Unti-unti maging magaan ang gawing ito, at makakadama ka ng natural
na disposisyong ikamumuhi at ikasusuklam ito. Sa puntong ito, makakataglay ka
ng kapayapaan at kalugurang espirituwal sa pagkamit ng kalayaan mula sa bisyong
ito.
q Ang paninirang-puri ay madalas
bunga ng kahinaan sa sariling kaluluwa ng naninirang-puri, tulad ng
panganganino. Suriin ng mabuti ang iyong sarili upang matuklasan ang kahinaan
na nag-udyok sa iyong manirang-puri sa iyong kapwa; pagkatapos ay pagsikapang
malunasan ang kahinaang ito.
Konklusyon:
q Ang Propeta (s) ay nagsabi: “Walang kahoy na mas mabilis
tumupok ng apoy kaysa gheebah sa pagtupok ng mga birtud ng isang
deboto.”
[Al-Mahajjat al-Bayda’, tomo 5, p. 264]
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa totoong Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
... At huwag kayong manirang-puri sa kapwa; mayroon bang isa sa inyong ibig kumain ng
laman ng kanyang patay na kapatid? Ikasusuklam ninyo ito.
(Qur’an 49:12)
Ang Propeta Muhammad (s) ay minsang nagsabi kay Imam ‘Ali (‘a): “O ‘Ali! Kung may makarinig ng paninirang-puri sa kanyang kapatid na Muslim,
ngunit hindi niya ito ipagtatanggol bagama’t abot-kaya niya ito, tiyak na
hahamakin siya ng Panginoon dito sa mundo at sa Kabilang-Buhay.”
[Al-Hurr al-`Amili, Wasa’il al-Shi`ah, tomo 8, hadith bilang 16336]
Mga Sakit ng Kaluluwa…
(gheebah)
Si Abu Dharr (r) ay minsang nagtanong sa Propeta Muhammad (s): “O Mensahero ng Allah, ano ang gheebah?”
Sinagot niya: “Ito ay pagbanggit ng anumang bagay tungkol sa iyong kapatid na
kanyang kinamumuhian.”
Itinanong ni Abu Dharr (r): “O Mensahero ng Allah, paano kung ang bagay na ito ay talagang nasa kanya?”
Sinagot niya (s): “Dapat mong malaman na kung bumanggit ka ng anumang nasa
kanya, ito ay gheebah, at kung bumanggit ka ng anumang wala sa kanya,
ito ay paghahatid-humapit laban sa kanya.”
[Al-Hurr al-`Amili, Wasai'l al-Shi`ah, tomo 8, hadith bilang 16312]
Ang Propeta (s) ay minsang nagbigay-payo kay Abu Dharr (r) ng ganito: “O Abu Dharr! Mag-ingat sa
paninirang-puri dahilan sa ang paninirang-puri ay mas malubha pa kaysa
pakikiapid (zinā’).” Itinanong ni Abu Dharr (r): “Bakit ganoon, O
Mensahero ng Allah?” Kanyang (s) sinagot: “Ito ay dahilan sa kung ang tao ay nakiapid
at pagkatapos ay humingi ng kapatawaran sa Panginoon, patatawarin siya ng
Panginoon. Subalit ang paninirang-puri ay hindi ipinapatawad hanggang sa hindi
ipinapatawad ng kanyang biktima.”
q Al-Hurr al-`Amili, Wasa’il al-Shi`ah, tomo 8, hadith bilang 18312
Ang Dakilang Mensahero (s) ay nagsabi: “Sinumang naninirang-puri sa isang Muslim ay sumasayang sa kanyang mga
pag-aayuno
at wudu', at sa Araw ng Muling-Pagkabuhay ang baho ng kanyang
bunganga ay mas matindi kaysa isang bangkay, at pagdirian ng mga yaong nasa
kanyang istasyon (mawqif). Kung
mamamatay siya bago pa man magsisi, ang kanyang pagkamatay ay katulad ng
pagkamatay ng taong namatay habang itinuturing na pinahihintulutan ang anumang
ipinagbabawal ng Panginoon, ang Dakila, ang Maluwalhati.”
q Al-Hurr al-`Amili, Wasa’il al-Shi`ah, tomo 8, hadith bilang 16316
Isinalaysay ng Imam al-Sadiq (‘a) mula sa Propetang (s) nagsabi: “O kayong tumalima sa Islam sa pamamagitan ng
inyong mga dila subalit ang paniniwala ay hindi pa napapaloob sa inyong mga
puso, huwag ninyong hamakin ang mga Muslim at huwag ninyong hanapin ang
kanilang mga kamalian. Sa katotohanan, ibubunyag ng Panginoon ang mga kamalian
ng sinumang humahanap ng kanilang mga kamalian; at sinumang may Panginoon
pagkatapos ng kanyang mga kamalian ay
hahamakin, maging sa kanyang sariling tahanan.”
q Al-Kulayni, al-Kafi, tomo 2, “Kitab al-Iman wal-Kufr,”
“Bab man talaba 'atharat al-Mu'minin,” hadith bilang 2
Isinalaysay ng Imam al-Sadiq (‘a) mula sa Propetang (s) nagsabi: “Ang kapinsalaan sa paniniwala ng isang
nananampalataya na dulot ng paninirang-puri ay mas mabilis kaysa kapinsalaang
dulot ng aklah (isang sakit na bumubulok ng laman) sa kanyang katawan.”
q Al-Kulayni, al-Kafi, tomo 2, “Kitab al-Iman wal-Kufr,”
“Bab al-Gheebah wal-Buht,” hadith bilang 1
Kapag ang paninirang-puri ay naging bahagi ng ating asal, ito ay magdudulot ng masamang mga epekto sa ating
kaluluwa. Isa dito ay ang paglinang ng poot at pagkamuhi sa biktima na
unti-unting tumitindi. Sa oras ng kamatayan, nang ang mga belo ng makaanghel na
kaharian (al-malakut) ay maiangat, masasaksihan ng naninirang-puri ang kaaya-ayang katayuan ng kanyang mga
biktima sa paningin ng Panginoon, at ang karangalan at mga biyayang
ipinagkaloob sa kanila ng Poong Maykapal. Kaya ang poot at pagkamuhi ng naninirang-puri
sa kapwa ay maaring humantong sa kanyang pagkamuhi sa Poong Maykapal! Kaya,
lilisanin niya ang mundong ito habang ang kanyang puso ay may poot sa Panginoon,
at makakamit niya ang walang-hangganang kapahamakan.
Ang paninirang-puri ay ipinagbabawal; gayundin ang pakikinig nito. Sa katunayan, ayon sa ipinapahiwatig ng
ilang mga tradisyon (hadīth), ang nakikinig ay katulad ng
naninirang-puri sa lahat ng mga masasamang aspeto—sa paraang ang kanyang gawi
ay isang mabigat na kasalanan na nangangailangan ng paghihingi ng kapatawaran sa biktima.
Ang Propeta (s) ay nagsabi: “Ang nakikinig ay isa sa dalawang naninirang-puri.”
q Al-Fayd al-Kashani, Al-Mahajjat al-Bayda’, tomo 5, p. 260
Isinalaysay ng Imam al-Sadiq (‘a) mula sa Dakilang Mensahero (s) na minsang nagbawal sa paninirang-puri at sa
pakikinig nito. At kanyang (s) sinabi: “Masdan, sinuman ang makapagbigay-tulong
sa kanyang kapatid sa pamamagitan ng pagpapabulaan sa paninirang-puri laban sa
kanya sa isang pagtitipon, ililigtas siya ng Panginoon mula sa daan-daang mga
kasamahan dito sa mundo at sa Kabilang-Buhay. At kapag hindi niya ito ginawa
bagama’t kaya niya itong gawain, mapasakanya ang pasan ng siyang
naninirang-puri nang pitumpong beses.”
q Al-Hurr al-`Amili, Wasa'il al-Shi`ah, tomo 8, hadith bilang 16316
Kabilang sa mga tusong paraan ng paninirang-puri ay ang pakikinig nito nang may panggigilalas. Ang naturang tao
ay nagpapahayag ng panggigilalas upang maging masigla ang naninirang-puri sa
kanyang mga paglalarawan. Ang kanyang panggigilalas ay humihimok sa ikalawa sa
kanyang masamang gawi. Halimbawa, sasabihin niya, “Kataka-taka” o “Astaghfirullah!”.
O di kaya ay sasabihin niya, “Hindi ko alam iyan!” o “Hindi ko
akalaing magagawa niya iyon!” Ang mga pananalitang ito ay nangangahulugan
ng pagpapatibay sa mga isinasaad ng naninirang-puri at ng paghihimok nitong
kanyang ipagpatuloy. Sa katunayan ang mga gawing ito ay mga artipisyo ni
Satanas. Sa katotohanan, ang pagpapatibay
ng paninirang-puri ay paninirang-puri rin; katulad ng pakikinig nito, at maging
ang pagkakaroon ng walang-kibo habang naririnig ito.
q Diskurso ni al-Shahid al-Thani ayon sa pagkasipi sa Forty
Hadith ni Ayatullah Khumayni.
Mayroon lang ilang mga sitwasyon kung kailan pinapahintulutang magsalita hinggil sa mga kamalian ng ibang tao. Nararapat na masyadong maingat
nang sa gayon ang pagkakaroon ng mga kataliwasang ito ay hindi hahantong sa
paggawa ng kasalanan. Ilan sa mga sitwasyong ito ay ang mga sumusunod:
q Pagtatanggol sa mga Muslim mula sa kasamahan ng iba,
kabilang ang mga sitwasyon kung saan ang tao ay pinakiusapang managot sa
integridad ng isang pakakasalan;
q kung ang pinag-uusapang tao ay hindi naglilihim sa kanyang
paglalabag sa mga Banal na kautusan;
q paglalarawan ng anumang kamalian ng pasyente sa isang
manggagamot para sa mga layuning panggagamot;
pamimintas sa isang tagasalaysay ng mga tradisyon (hadīth).
Comment
Comment by eliasbraghy,clerigo on November 23, 2010 at 10:44am TUITION FREE
Come Join us in seeking knowledge for the SAKE of Allah ta'ala Alone.
Abu Hurayrah relates that the Prophet(peace be upon him) said, "For him who embarks on the path of seeking knowledge, Allah will ease for him the way to paradise." (Related by Muslim)
Why did we embrace ISLAM? (Bakit ko niyakap ang Islam)
Please share your story on the blog and we will add the link here.
1. Sister Zahra Salvacion
2. Sister Aminah from US
3. Brother Jameel Lumanog
4. Arvin Ahmed Cayabyab
5. Priest and preachers enter Islam by Yusuf Estes
6. Dr. Dirks is a former minister (deacon) of the United Methodist Church. He holds a Master's degree in Divinity from Harvard University and a Doctorate in Psychology from the University of Denver.
7. Reverend Armando Barcelon
© 2012 Created by Reverts to Islam.
You need to be a member of Spread the WORD of ISLAM to add comments!
Join Spread the WORD of ISLAM