Reynaldo Garnatcha.
  • nueva ecija
  • Philippines
Share on Facebook Share on Facebook Share Twitter
  • Blog Posts
  • Discussions
  • Events
  • Groups
  • Photos (1)
  • Photo Albums
  • Videos

Reynaldo Garnatcha.'s Friends

  • Amelia
  • Francisco"Abdussalam" Delarmente
  • josh yusuf p barbas

Gifts Received

Gift

Reynaldo Garnatcha. has not received any gifts yet

Give a Gift

 

Reynaldo Garnatcha.'s Page

Latest Activity

Amelia and Reynaldo Garnatcha. are now friends
Mar 6, 2011
Reynaldo Garnatcha. and Francisco"Abdussalam" Delarmente are now friends
Feb 27, 2011
Francisco"Abdussalam" Delarmente left a comment for Reynaldo Garnatcha.
"sa pag ngayon bro e2 lang muna mai share q, dahil walapa aq tym ng MAGBAHAGI NG mahaba, ang sabi ng bibliya sa 10 commandments 1. samabahin lamang ang nagiisang Dios. ang Dios ng mga hudiyo o DIOS NI Moses,DIOS NI Hesus ng mga Kristyano, last is…"
Sep 7, 2010
Yusuf Ceasar left a comment for Reynaldo Garnatcha.
"....continued Marami ang nag-aakala na ang Muslim ay isang taong isinilang mula sa mga magulang na Muslim, o di kaya, isang taong isinilang sa bansang Muslim. Ang lahi, kulay, tribo, angkan, o pangalan ay hindi mga batayan upang ang isang tao ay…"
Aug 7, 2010
Yusuf Ceasar left a comment for Reynaldo Garnatcha.
"Assalam Alaikom kapatid (ang pagpapala ng Diyos ay sumaiyo), Salamat sa iyong katanungan at iyong pagpupunyagi pra malaman kung ano talaga ang ISLAM. Lahat ng relihiyon ay nagsasabing sila lang ang maliligtas pero ang Diyos ay hindi Diyos ng…"
Aug 7, 2010
Reynaldo Garnatcha. is now a member of Spread the WORD of ISLAM
Jul 27, 2010

Reynaldo Garnatcha.'s Photos

Loading…
  • Add Photos
  • View All

Comment Wall (5 comments)

You need to be a member of Spread the WORD of ISLAM to add comments!

Join Spread the WORD of ISLAM

At 5:56pm on September 7, 2010, Francisco"Abdussalam" Delarmente said…
sa pag ngayon bro e2 lang muna mai share q, dahil walapa aq tym ng MAGBAHAGI NG mahaba, ang sabi ng bibliya sa 10 commandments 1. samabahin lamang ang nagiisang Dios. ang Dios ng mga hudiyo o DIOS NI Moses,DIOS NI Hesus ng mga Kristyano, last is DIOS NI PROPETA Muhammad nG mga muslim, sumakanya nawa ang kapayapan or mula kay Adan, Moses, David, Jacob last ay c propet Muhammad peace b upon them, ang lahat cla ay mga propeta & mensahero ng Dios (IISA LAMANG ANG KANILANG SINASAMBA ANG ALLAH @ WALA NG IBANG SAMBAHIN MALIBAN S ALLAH LAMANG, SANA MGABAYAN K NAWA BRO NG NAGIISANG dioS, GOD IS GREAT!!!!!
At 12:52pm on August 7, 2010, Yusuf Ceasar said…
....continued

Marami ang nag-aakala na ang Muslim ay isang taong isinilang mula sa mga magulang na Muslim, o di kaya, isang taong isinilang sa bansang Muslim. Ang lahi, kulay, tribo, angkan, o pangalan ay hindi mga batayan upang ang isang tao ay matawag na Muslim.

Ang Muslim ay ang nilikha ng Allah na Sumusunod, Sumusuko at Tumatalima sa Kanyang mga kautusan. Sa katunayan, hindi lamang tao ang matatawag na Muslim. Maging ang lahat na nilikha ng Allah bukod pa sa tao (katulad ng mga bituin sa kalangitan, ang araw at ang hangin) ay maituturing na Muslim, sapagkat silang lahat ay mga nilikha na sumusunod sa likas na batas na inilagay ng Allah sa kalikasan.

Kaya't lahat ng Propeta simula kay Adam, Noah, Abraham, Moses, david, Hesus, Mohammad(sumakanila nawa ang kapayaaan) ay mga muslim dahil sumusunod at tumatalima sila sa kautusan ng Diyos.

Ang salitang balik-islam naman ay taguri sa mga bagong sumampalataya at pumasok sa Islam. Hindi angkop ang salitang convert, sa halip ay Reverted, o kaya’y nagbalik sa pananampalatayang Islam sa Pilipino. Ang salitang convert ay nangangahulugan ng pagbabago ng pananampalataya tungo sa ibang pananampalataya. Ang huling Propeta Muhammad ( Ang Kapayapaan ay Sumakanya) ay nagwika na ang lahat ng tao nang isinilang ay nasa naturalisang kalikasan ( sumusunod sa alituntunin, batas ng kalikasan o Islam). Ito ay tinatawag na Fitrah sa Arabic. Ngunit ang kanyang magulang ay ginawa siyang Judio, Cristiano o pagano. Nangangahulugan lamang na ang sanggol ay malinis at walang bahid ng kasalanan, ngunit nang maglaon siya’y nadumihan ng maling pananamaplataya, pagsamba, at maling mga prinsipyo sa buhay. Kung gayon, ang isang hindi dating Muslim ay nagbalik-loob, sumampalataya at pumasok sa Islam ay tinataguriang Balik-Islam. Siya ay nanumbalik lamang sa kanyang tunay na kalikasan – ang Islam ( Pagsunod at pagsuko sa ating Poong Maykapal.)

kung mga mga katanungan ka pa kapatid ay huwag kang mag-atubili sumulat o magtanong sa amin.
At 12:44pm on August 7, 2010, Yusuf Ceasar said…
Assalam Alaikom kapatid (ang pagpapala ng Diyos ay sumaiyo),

Salamat sa iyong katanungan at iyong pagpupunyagi pra malaman kung ano talaga ang ISLAM. Lahat ng relihiyon ay nagsasabing sila lang ang maliligtas pero ang Diyos ay hindi Diyos ng kalituhan kagya't nagbigay Sya ng panuntunan o gabay sa ating mga nilalang Nya sa pamamagitan ng mga Propheta simula ay Adam, Noah, Abraham, Isaac, Jacob, Job, Jonah, David, Solomon, Hesus at marami pang iba at kahuli-hulihan si Propeta Mohammad(sumakanila lahat ang kapayapaan). Ang mga muslim ay naniniwala na may ibinigay na kasulatan kay Propeta Abraham na mga SCROLLS, kay propeta Moses ang Taurah(old testament), kay David na Sabur(Psalms), kay Hesus na Injil(gospels) at kay Propeta Mohammad na ang Quran. Sa lahat ng kasulatan na eto, ang Quran na lang ang nananatili sa kanyang orihinal na texto which is nasa ARABIC pa rin hanggang ngayon simula ng ibaba ni Angel Gabriel kay Propeta Mohammad(saws).

Ang Islam ay hindi hinango sa pangalan ng tao, pook, tribo o ano mang bagay na nilikha ng Diyos. Ito ay kaiba sa ibang relihiyon sapagkat ang kanilang pangalan ay hinango sa mga nilikhang bagay. Halimbawa : Ang Kristiyanismo ay hinango sa katagang Kristo; Budhismo sa pangalan ni Gautama Buddha; Hinduismo sa tribo ng Indes Valley sa India; at Judaismo sa tribo ng Juda.

Ang Islam ay isang katagang Arabik na hinango sa salitang ugat na “Salam” na nangangahulugan ng Kapayapaan. Ito ay nangangahulugan din ng Pagsunod, Pagsuko at Pagtalima sa kalooban ng Tunay na Diyos(ang maylikha ng langit at lupa at lahat ng sanglibutan). Ang tunay na kapayapaan ay nasa puso, isip at kaluluwa na nagdudulot ng kapayapaan sa kapaligiran at lipunan. Ang kapayapaan ay hindi kailanman matatamo sa antas ng karunungan, kayamanan o katanyagan. Bagkus ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng ganap at tapat na Pagsunod, Pagsuko at Pagtalima sa kalooban ng Nag-iisang Tunay na Diyos (Allah) - ang likas na pananampalatayang ibinigay Niya sa sandaigdigan.
At 5:57pm on August 3, 2010, josh yusuf p barbas said…
kapatid ikaw ba ay di pa Muslim?
ako ay balik islam noon pang 2000 at pang 10 taon ko na sa sept 27...
If God's will babaguhin nya ang iyong pananaw at malalaman mo rin ang katotohanan.
kung gusto mong mag chatting tayo para maibahagi ko ang Islam nawa'y reply ka lang...
salamat kapatid...
At 5:08am on July 28, 2010, josh yusuf p barbas said…
salam kapatid welcome sa site na ito, inshallah mas mainam na palitan mo ng tunay na pic ang gamit mo para lalu kang makilala g mga kapatiran.
 
 
 

© 2012   Created by Reverts to Islam.

Badges  |  Report an Issue  |  Terms of Service