Assalaamu wa Alaikum wa Rahmatulaahi wa Barakatuh

Ang bawat tao ay nag-tatanong at nag-hahanap nang kaligtasan O buhay na walang hanggan. At umaasa ng kapatawaran, na ang akala ay sapat na ang kanilang sinasabing pagsamba. At dahil dito ay dumami ang mga Relihiyon.

At bawat isa dito ay nagsasabing sila ang susi ng kaligtasan, at buhay na walang hanggan.

 Ngunit kailangan natin ng masusing paghahanap ng kaalaman tungo sa tamang pananampalataya (Relihiyon).

Dapat nating isipin na ang tamang pananampalataya ay ayon na rin sa kapahayagan na ipinadala sa atin ng ating panginoon (Allah subhanna wat’ala).

Upang ang sinasabing susi ng pintuan ng paraiso, ay kaligtasan at hindi kapahamakan.

Ang Islam ay hindi nag-aanyaya na ikaw ay magpasakop.

Bagkus ang Islam ay naghahatid ng mensahe na nag-mula sa makapangyarihang Diyos (Allah subhanna wat’ala). At bawat minsahe ay nag-papatunay ng katotohanan. At hindi maitatanggi ang kayang kapahayagan, na ito ay mula sa Diyos (Allah subhanna wat’ala).

 Si Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

“Ipagbadya (O Muhammad):” O Angkan ng kasulatan (mga Hudyo at Kristiano). Halina kayo sa isang salita (usapan) na makatarungan sa pagitan namin at ninyo, na huwag tayong sumamba (sa iba) maliban Kay Allah, huwag tayong magbigay ng anumang katambal sa Kanya, at huwag nating itakda ang ilan sa atin bilang panginoon maliban kay Allah. At kung sila ay magsitalikod, inyung sabihin: “Maging saksi kayo na kami ay mga Muslim (na tumatalima Kay Allah).”

“O Angkan ng kasulatan (mga Hudyo at Kristiano)! Bakit kayo nagsisipagtalo tungkol sa pananampalataya ni Abraham (alalaong baga, ang mga Hudyo ay nag-aangkin na ang pananampalataya ni Abraham ay Hudyo, gayundin ang mga Kristiano ay nag-aangkin na ang kanyang pananampalataya ay Kristianismo), gayong ang taurat (torah [mga batas]) at Injil (Ebanghelyo) ay hindi ipinahayag hanggang pagkaraan niya? Wala ba kayong pang-unawa.” (Qur’an Surah Al-Imran 3:64-65)

At ang kapahayagan ay may-kaakibat, na tanda na ito ay hindi sa salungat sa ibang minsahing ipinadala mula sa mga nauna hangang sa pinakahuli.

Bagkus ito ay mag-papatuloy at maglilinaw, sa mga tanda na ibinigay sa kanila upang magpatotoo sa mga nauna.

At mag-pahayag sa mga nahuli hanggang sa wakas ng buhay na ito.

At ang kapahayagan ay hindi sa salungat sa mga kaganapan na tinuklas at matutuklasan palamang.

 Si Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

“At hindi kami nagsugo nang una pa sa iyo (O Muhammad), maliban na mga lalaki, na Aming binigyang-inpirasyon (upangmangaral at mag-anyaya sa sangkatauhan na manampalataya sa kaisahan ni Allah). Kaya’t (inyong) tanungin sila na nakakaalam ng kasulatan (mga pantas ng torah[mga batas] at Ebanghelyo) kung hindi ninyo na lalaman,”

“Nang maliwanag na Tanda at Aklat (na Aming ipnadalasa mga Sugo). At ipinanaog din Namin sa iyo (O Muhammad) ang Paala-ala at Patnubay (ang Qur’an), upang iyong maipaliwanag nang mahusay sa mga tao kung ano ang ipinahayag sa kanila, upang sila ay magbigay ng pagmumuni-muni.” (Qur’an Surah An-Nahl 16:43-44)

Kaya’t sa aming pag-hahanap ng tunay na Relihiyon.

Ay may mga kailangan tayong maging mga katanungan, sa ating mga sarili na kong ang salita ng Panginoon, ay tunay.

Ito ay mag-aangkup sa mga nilikha niya ng may tamang pag-papatupad, pagpapahayag, pag-papaala-ala sa mga nilikha niya patungkol sa pag-samba sa Panginoon (Allah subhanna wat’ala) .Sa dahilang ang bawat salita ng Panginoon ay Batas na ipinadala sa kanyang mga Propeta upang ipahayag sa lahat ng kanyang mga nilikha.

Para maging babala, at batayan ng lahat. Tungo sa pag-papalaganap ng pag-mamahal, pag-bibigay ng tamang katarungan.

Kung ang isang kasulatan ay naa-angkop para sa mga nilikha.

Ang lahat ng ating katanungan ay maykadahilanan at ito ay may kasagutan mula sa Panginoon (Allah subhanna wat’ala)

Ang aking katanungan patungkol sa aking sarili!

  1. 1.    Bilang tao saan ako nag-mula?

Si Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

“At katotohanan nilikha Namin ang tao (Adan) mula sa Lagkit ng putik (tubig at lupa).”

“At pagkatapos ay Aming nilikha siya (ang anak ni Adan) bilang isang Nutfa (magkahalong semilya ng lalaki at babae) at inilagak sa ligtas na himlayan (sinapupunan ng babae).”

At pagkatapos ay ginawa Namin ang Nutfa na isang kimpal (isang makapal na piraso ng namuong dugo), at pagkatapos ay ginawa Namin ang kimapal sa isang maliit na tambok ng laman, at pagkatapos ay ginawa Namin mula sa tambok ng laman ang mga buto, at pagkatapos ay binalutan Namin ang mga buto ng laman, at pagkatapos ay Aming nilikha siya bilang bagong nilikha (tao). Kaya’t papurihan si Allah, ang Pinakamahusay sa Tagapaglikha.”

(Qur’an surah Al-Mu’minun 23:12-14)

Ang mga ganitung kapahayagan ay nagpapatunay lamang na ang bawat salita na nagmula sa Panginoon ay isang minsahing may pagpapaala-ala sa lahat ng nilalang na kung kanino tayo nagmula, at sino ang lumikha sa lahat ng mga nakikita at di nakikita.

Sa ating pagpapatuloy ay may mga bahagi din tayong dapat malaman at dapat na alamin.

2)   Ang ating bang katayuan sa Mundong ito ay ano?

Si Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

At katotohanang Aming ginawaran ng karangalan ang mga anak ni Adan, at Aming ginawaran sila (ng masasakyan) sa kalupaan at karagatan at Aming tinustusan sila ng At-Tayyibat (mga pinahihitulutan na mabubuting bagay [Halal), at Aming tinampok sila nang higit sa karamihan sa Aming nilikha.(Qur’an Surah Al-Isra 17:70)

Sa bawat paghahatid ng kapahayagan ay kailangan ng tamang kaalaman sa pagtanggap ng minsahi sa mga bagay na kanyang ibinigay at ipinagbabawal sa atin.

3)   At ang dahilan kung bakit ako nilikha ng Panginoon(Allah)?

Si Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

“ kayo ba ay nag-aakala na Amin lamang nilikha kayo sa paglalaro(na walang layunin), at kayo ay hindi muling babalik sa Amin?”

“Higit na kataas-taasan si Allah, ang tunay na Hari La ilaha illa huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Panginoon ng Dakilang Arsh (Trono o Luklukan)!” (Qur’an Surah Al-Mu’minun 23:115-116)

Ang tungkulin natin ay ating nakalimutan, tungkuling na hindi dapat ay baliwalain, ang pag-samba sa naglikha sa atin ng tapat at makatarungan ito ang tunay nalayunin kong bakit tayo ay nilikha hindi sa ganang kagustohan lang natin, mga-bagay na walang kabuluhan dito sa lupa, hindi makakapagdala sa atin ng kaligtasan bagkos ay kapahamakan. Sapagkat-lulan ito ng pagkakasala sa Panginoong taga-paghusga.

4) Ang aking katanungan ay tungkol sa aking Taga-paglikha

Si Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

siya si Allah, Lailaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Lubos na Nakakaalam ng nakatago, hindi na raramdaman, at Lantad. Siya ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain.”

“Siya si Allah, Lailaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Hari, ang Banal, ang Perpekto (Walang kasalohan at Kapintasan), ang Tagpagbigay ng kapayapaan, ang Tagapagbatay (sa Lahat ng kanyang mga nilalang), ang Pinakamakapangyarihan, ang Tagapagpasunod, ang Kataas-taasan. Luwalhatiin si Allah (Higit siyang) mataas sa lahat ng kanilang iniaakibat na mga katambal sa Kanya.”

“Siya si Allah ang Manlilikha, ang Pinagmulan ng lahat ng bagay, ang Tagapagkaloob ng mga Hubog. Siya ang nag-aangkin ng lahat ng pinakamainam na Pangalan. Ang lahat ng nasa kalangitan at kalupaan ay lumuluwalhati sa Kanya. At siya ang Sukdol sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.” (Qur’an Al-Nashr 59:22-24)

 Ganito nag-pakilala ang Panginoon (Allah subhanna wat’ala) sa lahat ng kaniyang mga ni likha, sa kalangintan at kalupaan.

5 Ang aking katanungan ay ano ang aking katungkulan sa mga bagay na nilikha?

Si Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

“Hindi katungkulan sa iyo (O Muhammad) ang kanilang patnubay, datapuwa’t si Allah ang namamatnubay sa sinumang Kanyang mapusuan. At anumang mabuting kawang-gawa ang iyung ibibigay, ang kapakinabangan (gantimpala nito) ay sa inyong sarili (kaluluwa), at kayong mananampalataya ay hindi magbibigay (ng kawang-gawa) maliban na kayo ay naghahanap ng kasiyahan ni Allah (alalaong baga, ang pakikipagtipan sa Kanya). At anumang mabuting kawang-gawa ang inyong ibibigay, kayo ay bibigyan ng ganap na gantimpala para  rito, at kayo ay hindi gagawaran ng kawalangkatarungan."(Qur’an Surah Al Baqarah 2:272)

Ang mabuting gawa ay maykaakibat ng gantimpala, dahil ito ay iyong ginawa dahil sa pagmamahal mo sa iyong panginoon (Allah subhanna wat’ala). Kungganon ikaw na binigyan niya ng araw at gabi upang makagawa ng kabutihan sa bawat oras,at minuto sa iyung buhay upang makamtan mo ang pinakamainam na gantimpala (ito ay ang Paraiso), O buhay na walang Hanggang.

 6)   Ang aking katanungan ay kung ano ang tunay na relihiyon? At ito ba ay magbibigay sa akin ng kaligtasan?

Si Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

At sinuman ang maghanap ng ibang Relihiyon maliban sa Islam, ito ay hindi kailanman tatanggapin sa kanya, at sa kabilang buhay, siya ay isa sa mga talunan.

(Qur’an surah Al-Imran 3:85)

Ang paghahanap ng tamang pananampalataya ay matatagpuan sa kasulatan pati ang kanyang ipinagbabawal at pinahihintulutan.

At hayagang ibibgay ang lahat ng babala upang sa ganon ito ay maiwasan ng kanyang mganilikha at makasunod sa kanyang kagustohan. Na maisama lahat. upang makapasok sa Paraiso na Kanyang Ipinangako.

Dito ay makikita natin na ang tamang pagsunod ay sa tamang kasulatan na kungsaan ay walang kapintasan bagkos ay pagpapatupad lamang sa kaluwalhatian ng Panginoon (Allah subhanna wat’ala).

At dito iyung malalaman ang kong ikaw ay may kapanatagan sa iyung puso at isipan.

 7) At ang aking katanungan ay kung paano ako makakatanggap ng kapanatagan sa aking puso at isipan?.

Si Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

“At sila na nagsisipagtiis alang-alang sa Paraiso na kanilang papasukin ng kanilang panginoon, at nag-aalay ng dasal nang mahinusay (iqamat-as-salat), at gumugugol mula sa biyaya na Aming ipinagloob sa kanila, nang lihim at lantad, at umiiwas sa kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan, para sa kanila ay mayroong mainam na tahanan;”

“Walang hanggang Halamanan sa Paraiso na kanilang papasukin at (gayundin naman), sila na nagsigawa nang matuwid mula sa lipon ng kanilang mga ama, at kanilang mga asawang (babae), at kanilang mga anak. At ang mga anghel ay papasok sa kanila sa bawat tarangkahan (na nagsasabi):”

“Salamun alaykum” (Ang kapayapaan ay sumainyo) sapagkat kayo ay nagsipagtiyaga sa pagbabata! Tunay ngang napakainam ang huling tahanan!

(Qur’an Surah Ar-Ra’d 13:22-24)

Ang bawat salita ng panginoon ay may-magandang paala-ala sa mga tapat na mananampalataya at dalisay na ibinibigay ang karangalan ng isang mananampalataya, upang lagi-tayong magdarasal na sana ay makamtan natin ang Paraiso, na ipnangako sa lahat ng tapat namananampalataya.

8) Ang aking katanungan ay kung ano ang kalagayan ng taong walang pananampalataya?.

Si Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

At sinomang sumuway sa Aking paala-ala (alalaong baga, hindi naniniwala sa Qur’an at hindi sumusunod sa mga utos nito),

Katotohang sasakanya ang buhay ng kahirapan at siya ay bubuhayin Naming muli na bulag sa araw ng Muling pagkabuhay.”(Qur’an Surah Ta-Ha 20:124)

Ito ang isang pananaw na hindi maitatanggi ng sinuman, na ang pananampalataya ay kailangan ng tapat na pagyakap sa mga kasulatang kanyang ibinigay sa bawat Propeta sa kanilang kapanahunan, na kung sapanahon ngayon ay sa huling Propeta, kaya ang panginoong (Allah subhanna wat’ala) taga-paglikha ay laging nag-babadya sa mga nilikha Niya ng may kaakibat na babala ng sa ganon ay hindi sila mapahamak bakus ay makamtan nila ang Paraiso O Buhay na walang hanggan.

9) Ang aking katanungan ay Tungkol sa aking tadhana at sa muling paglikha sa akin?

 Si Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

“Ang bawat kaluluwa ay makakalasap ng kamatayan. At sa araw ng muling pagkabuhay lamang kayo ay babayaran nang ganap. At sinuman ang inilayo sa Apoy at tinanggap sa Paraiso, katotohang siya ay nagtagupay. Ang buhay sa mundong ito ay isa lamang pagsasaya ng kalinlangan (isang bagay na mandaraya).”(Qur’an Surah Al-Imran 3:185)

 Ang ating buhay sa mundong ito ay isa lamang pansamantala, at ito ay nababalot ng malaking pagsubok, na kungsaan ay dahil dito tayo ay nakakalimut sa panginoon (Allah subhanna wat’ala). Subalit ang kanyang kadakilaan, ay patuloy parin ang kanyang babala sa lahat ng kanyang nilalang upang ang pansamantalang buhay ay hindi mapunta sa kapahamakan kundi sa Paraiso na Kanyang pangako.

10) Ang aking katanungan ay kung paano ang muling paglikha? Mula sa pagkamatay?

Si Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

“Siya (na hindi naniniwala sa muling pagkabuhay) ay nagbibigay sa Amin ng isang halimbawa (talinghaga), at siya ay nakalimot sa paglikha

(ng kanyang sarili). Siya ay nagsabi: “sino ang magbibigay-buhay sa mga butong ito na ngabulok na (at naging abo)?”

“Ipagbadya (O Muhammad): “Siya (Allah) ang magbibigay-buhay sa kanila na lumikha sa kanila noong una! At siya ang lubos na Nakakaalam sa lahat ng Kanyang mga nilikha!

(Qur’an Surah Ya Seen 36: 78-79)

Sa bawat pagkakataon ay kailangan na maging mapanuri upang makasunod sa bawat salita O kapahayagan, dito ay maipapamalas mo ang tamang pagsunod sa panginoon (Allah subhanna wat’ala). Sa pagkat ang buhay ay panandalian at ito ang batayan para makapasok sa Paraiso na Kanyang (Allah subhanna wat’ala) ipinangako. Sa pagkat Siya lamang ang ating Taga-paglikha, ang bumabawi ng buhay, at bumubuhay sa mga namatay. Sa araw ng paghuhukom.

11)Ang aking katanungan ay tungkol sa mangyayari, pagkaraan ng kamatayan

Si Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

“Katutuhanan, sila na sumasampalataya (sa Islam at sa mga ipinag-uutos nito) at nagsisigawa ng mabubuting gawa, sila ang pinakamainam sa lahat ng mga nilalang.”

“Ang kanilang gantimpala (mula) sa kanilang Panginoon ay Paraiso, na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy; mananahan sila rito magpakailanman; si Allah ay tunay na nalulugod sa kanila, gayundin naman sila kay Allah. ito ay para sa kanya na may pangangamba kay Allah.”(Qur’an Surah Al-Baiyinah 98: 7-8)

Kayat halina kayo mga kapatid sa landas na kung saan ang katotohanan, na patuloy na nagbibigay ng mga babala at nagpapaala-ala sa Paraiso na Kaniyang (Allah subhanna wat’ala) ipinangako sa lahat ng may tapat na pananampalataya,

Ito ang tamang Relihiyon (Islam) dito ay ang tapat napagsuko at pagtalima sa kalooban (ni Allah subhanna wat’ala).

Ang Pinakamaawain Ang Pinakamahabagin. 

           Allah, Lailaha illa Allah!..

 

 

 

 

 

 

Views: 33

Attachments:

Reply to This

Replies to This Discussion

Masha'Allah,

 ang mga katanungan mo brod ay sinagot mo na rin.

salam bro itinuturo ko yan bro na dapat ang pag dadaw'ah ay sa paraan ng propeta hindi sa paraan na pagbatikos sa ibang pananampalataya bagkos ay sa paraan ng kapahayagan lamang. ang Daw'ah ng Propeta(sas) ay paanyaya sa lahat at paghahatid ng tunay na minsahi. Jazakallaahu kairan

assalamu alaykum mga kapatid,

 

alhamdulillah tama na ang paraan ng pagdada'wah o paganyaya sa mga tao patungo sa pagkilala at pagsamba kay Allah lamang ay sa sunnah ng Sugo,sas, at ito ay ang kaniyang, sas, pamamaraan.

 

tulad nang si muadh bin jabal, radhi Allahu anhu, ay inutusan ni Propeta Muhammad,sas, noong 9AH na pumunta sa Yemen upang maging gobernador doon at magda'wah sa mga tao doon, ay sinabi ng Sugo, sas, sa kaniya, ra, (ang kahulugan) o muadh, ikaw ay pupunta sa mga tao ng kasulatan (mga judio at kristiyano) sa yemen, ang iyong unang iparating sa kanila ay ang paganyaya tungo sa pagkilala ng kaisahan ni Allah (Tawheedullah).

(ang hadith na ito ay isinalaysay ni Ibn ‘Abbaas at inipon ni al-Bukhaaree (Muhammad Muhsin Khan, Sahih Al-Bukhari, (Arabic-English), (Riyadh: Maktabah ar-Riyaad al-Hadeetha, 1981), vol.9, pp.348-9,no.469) at Muslim (Abdul Hamid Siddiq, Sahih Muslim (English Trans.),(Lahore: Sh.Muhammad Ashraf Publishers, 1987), vol.1, pp.14-5, no.27).

 

kaya ang kaunaunahang topic na ating gagamitin sa da'wah o paganyaya sa mga tao tungo sa pagkilala kay Allaah ay ang Tawheed o ang Kaisahan ni Allah sa ating paniniwala at mga gawain na Siya lamang ang Tanging Nagiisang Panginoon na Lumikha at Nagtustos sa lahat ng nilkha(Tawheed arruuboobeyah), na SIya lamang ang walang katulad sa Kaniyang mga Pangalan at Mga Katangian(Tawheed Al-asmah was Siffat), at SIya lamang angkarapat-dapat na sambahin, wala nag iba pa(Tawheed al-ulooheyah aw al-ibaadah).

 

samakatuwid ito ang la ilaha illa Allah, dahil dito lamang mayroong tunay na kaligtasan ang lahat ng nilkha(jinn at tao) sapagkat sinabi ni Allah mismo:

 

"Inna Allaha laa yaghfiruu ay yushraka bihi wa yaghfiru maa doona dhalika limay yashaa' " (ito ang transliteration ng arabic sa suratun nisa 48)

 

ang kahulugan : "tunay na si Allah ay hindi nagpapatawad ng pagtatambal sa Kaniya, at nagpapatawad SIya ng iba (na kasalanan) maliban pa dyan sa sinomang loloobin Niya" ,.....

 

kaya napakabigat na kasalanan ang shirk o pagtatambal sa kay Allah, kaya ang solution lamang nito ay ang Tawheed.

 

paalala din sa ating mga kapatid na ayon sa uloomul qur'an, ang tamang pagbanggit ng ayah sa Quran, lalao pat may diin na sinabi ni Allah, ay kailngan sa arabic at saka ang translation sa ibang language sapagkat ang tunay nga naman na sinabi ni ALlah ay ang arabic lamang at hndi ang translated.

 

jazakumullahu khayran sa lahat,

 

naway patuloy tayong gabayan at tutulungan ni Allah na maiparating ang Kaniyang katotohanan ayon sa sunnah ng Knaiyang Sugo,sas upang tayo naman ay kakalugdan ni ALlah at mapabuti ang  mga taong pinaratingan natin ng mensahe at naway mabigyan din tayo ng mga gantimpala na nakalaan para sa mga Propeta, suma kanila nawa ang kapayapaan at pagpapala, sapagkat sila ang inutasan na magdawah muna bago pa tayo.

 

maraming salamat

Reply to Discussion

RSS

Join us in Seeking knowledge!

TUITION FREE

Come Join us in seeking knowledge for the SAKE of Allah ta'ala Alone.

Abu Hurayrah relates that the Prophet(peace be upon him) said, "For him who embarks on the path of seeking knowledge, Allah will ease for him the way to paradise." (Related by Muslim)

 

Why did we embrace ISLAM? (Bakit ko niyakap ang Islam)
Please share your story on the blog and we will add the link here.
1. Sister Zahra Salvacion
2. Sister Aminah from US
3. Brother Jameel Lumanog
4. Arvin Ahmed Cayabyab
5. Priest and preachers enter Islam by Yusuf Estes
6. Dr. Dirks is a former minister (deacon) of the United Methodist Church. He holds a Master's degree in Divinity from Harvard University and a Doctorate in Psychology from the University of Denver.
7. Reverend Armando Barcelon

© 2012   Created by Reverts to Islam.

Badges  |  Report an Issue  |  Terms of Service