Nanalangin ang isang tao kay Hesus at dininig ang kanyang panalangin, ang isang tao naman ay nanalangin sa santo at dininig din ang kanyang panalangin, ang isa naman ay nanalangin sa bato at dininig ang kanyang panalangin, at ang isa naman ay nanalangin sa Allah at dininig din ang kanyang panalangin, paano ito maipapaliwanag.
Ang pananalangin ay katangian ng isang tao na nagpapakita ng kahinaan sa harapan ng kanyang Tagapaglikha, ang pagsusumamo at ang pagtangis ng damdamin sa paghingi ng gabay, kalinga, awa at kapatawaran sa mga kasalanang kanyang naisagawa laban sa kanyang Tagapaglikha. Subalit bakit kahit na ang ibang mga nilikha ay tumatawag at nanalangin sa mga nilikha rin lamang ng Allah, bakit ito dinidinig at sino ba talaga ang dumidinig ng mga panalangin? Ang Allah, ang natatanging tunay na Diyos na may karapatang sambahin, ay ang Pinakamahabagin at ang Pinakamaawain. Saklaw ng habag ng Allah ang lahat ng kanyang mga nilikha at ang labis-labis Niyang awa at habag ay para lamang sa mga mananampalataya.
Ang ibig sabihin nito na kahit na ang isang tao ay hindi manalangin o humingi ng anuman mula sa kanyang Tagapaglikha, dahil sa Kanyang habag sa kanila, ipagkakaloob Niya ang mga ito, subalit ito ay limitado lamang dito sa mundong ibabaw at sa kabilang-buhay ay wala na siyang matatamo na anupaman, bakit? Dahil ang mga bagay na nais man niya o hindi ay ipagkakaloob na sa kanya dito pa lamang sa lupa.
At kung siya ay isang tunay na mananampalataya sa Kanya, ang gantimpala ay hanggang sa kabilang-buhay. Ang Kanyang labis-labis na awa at habag ay ipagkakaloob Niya sa kabilang-buhay doon sa mga nilikha na sumunod, tumalima at nagpasakop sa Kanyang batas at kautusan, subalit doon sa mga taong tumanggi at nagmataas sa katotohanan, ang awa ay dito lamang sa mundong ibabaw.
Hindi porke nanalangin siya doon o sa ganoon at ganito at nangyari ang kanyang ipinapanalangin ay yaon talaga ang duminig at nagkaloob ng kanyang mga kahilingan. Walang iba kundi ang Diyos ang duminig at nagkaloob ng mga ito, hindi ang mga santo o patron,mga anito o propeta o anumang mga nilikhang bagay.
Ito ay dahil sa Kanyang awa sa lahat ng Kanyang mga nilikha, sumusunod man o hindi sa Kanyang mga batas at kautusan. Ang isa pa na dapat nating isaalang-alang, ang pagdinig sa panalangin ay hindi sapat na batayan para sabihin natin na ang isang tao ay nasa tamang pananampalataya o nasa kamalian. Kung ang mga nasa tama lamang ang didinggin ang mga panalangin, magiging maliwanag para sa lahat ang tunay na katotohanan at wala nang pagsubok, ang lahat ay magtutungo doon sa mga samahan na ang mga panalangin ay dinidinig.
Ang katotohanan ay base sa mga rebelasyon na ipinagkaloob ng Diyos sa mga propeta at mga mensahero. Ang bawat mensahero ay mayroong dalang aklat o kasulatan na magiging batayan at timbangan ng katotohanan laban sa kamalian. At ang huling aklat na ipinadala ng Diyos para sa sangkatauhan ay ang Banal na Qur’an; ang kumpletong pamamaraan ng ating pamumuhay ay marapat lamang na dito natin ibabatay.
Ref: www.nouralislam.org
Tags:
Permalink Reply by ibrahim on July 8, 2010 at 8:56pm
Permalink Reply by ibrahim on July 8, 2010 at 9:31pm assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuh,
alhamdulillah,
mashaALLAH maganda ang topic na ito bro at marami nanaman tayong natutunan.
inshort, we can understand from this is that, answered prayers is not a test of a true belief or true religion, in which most of the religious people stick to their belief because their prayers were answered,
but the real test of a true religion is: who is being worshipped,
is it The Creator or the creature?
The Creator is diffferent from the creature, yet some people cannot distinguish between the two as they combine the characteristics of The Creator and the creature, and call some creatures as creator, may ALLAH protect us.
Then they worship such a creature, that makes them fall into the category of false religion - that worships creature, be it sun, or moon, or tree, or animal, or stone or human being, etc.
None has the right to be worshipped except The Creator alone - this is the essence of the true relgion - to worship The Creator alone. in arabic it is " la ilaha illa Allah"
and This Creator is Only One, HE is Absolute(does not increase nor decrease in power, glory, knowledge, ability, and does not require to eat, or sleep, or rest, ) and Eternal( meaning He has no beginning and He has no end) , HE begets not nor HE is begotten(because begetting or reproducing is only a creatures' lower function of sex) and there is nothing comparable unto HIM . "
the english meaning of the interpretation of Suratul Ikhlas 114:1-4 of The Gloroius Qur'an.
other than such characteristics is only a creature. so the distinction is very clear.
may ALLAH guide us all and remain in HIS right path, ameen.
TUITION FREE
Come Join us in seeking knowledge for the SAKE of Allah ta'ala Alone.
Abu Hurayrah relates that the Prophet(peace be upon him) said, "For him who embarks on the path of seeking knowledge, Allah will ease for him the way to paradise." (Related by Muslim)
Why did we embrace ISLAM? (Bakit ko niyakap ang Islam)
Please share your story on the blog and we will add the link here.
1. Sister Zahra Salvacion
2. Sister Aminah from US
3. Brother Jameel Lumanog
4. Arvin Ahmed Cayabyab
5. Priest and preachers enter Islam by Yusuf Estes
6. Dr. Dirks is a former minister (deacon) of the United Methodist Church. He holds a Master's degree in Divinity from Harvard University and a Doctorate in Psychology from the University of Denver.
7. Reverend Armando Barcelon
© 2012 Created by Reverts to Islam.