Permalink Reply by Ahmadeen on August 23, 2010 at 4:08am
Permalink Reply by ridhwan maundo on August 23, 2010 at 1:50pm Purihin Ang allah.
Pangkaraniwan nang usapin ang iyong agam-agam tungkol sa pag-aasawa ng magkakaibang tribo lalo na sa dakong timog ng Pinas na kung saan labis nang nabahiran ng tradisyon at kakulangan ng kaalaman ang wastong aral ng Islam.
Tulad ng iyong katanungan, bukod sa Qur'an at Sunnah ay wala nang iba pang basehan ang ating pananampalataya. Ang mahal na Propeta Mohammad (saw) ay nagsabi sa kaniyang huling sermon: "O sangkatauhan, pagnilayan ninyo ang mga sasabihin ko. Ako ay mag-iiwan ng dalawang bagay, ang Koran at ang aking mga halimbawa at kung susundin ninyo ang mga ito, hindi kayo mabibigo."
Gayunpaman, may tinatawag na Ijmaa na ang ibig sabihin ay pinagkaisahan o pinagkasunduan ng mga dakilang pantas ng Islam. Ito ay saligan ng mga batas sa Islam (shari'a) na base sa pangunahing batayan - ang Qur'an at ang Sunnah. Karamihan sa mga usaping pampamilya at pang-sosyudad ay dito nakabatay at isa na diyan ang pagpapakasal.
Sa pananaw ng mayorya ng mga paham tulad ng al-Shaafa'i, Maalik, at Ahmad, hindi pinahihintulutan ang isang lalaki na pakasalan ang isang babae kung walang pahintulot ng kaniyang wali (guardian). Ito'y batay sa patibay (daleel) ng mga salita ng Propeta (saw): "Walang anumang kontrata sa kasal (nikaah) hangga't walang wali (guardian)."
Subalit kung ang wali ng babae ay humahadlang sa kaniya na magpakasal sa lalaking ibig niya at wala itong dahilang labag sa batas ng Islam, ang pangangalaga ay maaring ipaubaya sa isang puwedeng maging angkop at karapat-dapat tulad halimbawa ng lolo, maari rin akuin ng hukom, ng namumuno ng pamayanan, ng isang nakatatandang Imam o kaya'y pantas. Walang karapatang pumigil o humadlang ang isang wali kung ayon lamang sa kaniyang sariling kapritso at walang dahilang nakalalabag sa batas ng Islam ang kaniyang paghandlang.
Patawarin nawa ako ng Allah kung mayroon mang pagkakamali sa aking naibahagi. Hangad ko ang patuloy Niyang patnubay sapagka't ang Allah ang Lubos na Nakakaalam.
Permalink Reply by Ahmadeen on August 24, 2010 at 3:22pm TUITION FREE
Come Join us in seeking knowledge for the SAKE of Allah ta'ala Alone.
Abu Hurayrah relates that the Prophet(peace be upon him) said, "For him who embarks on the path of seeking knowledge, Allah will ease for him the way to paradise." (Related by Muslim)
Why did we embrace ISLAM? (Bakit ko niyakap ang Islam)
Please share your story on the blog and we will add the link here.
1. Sister Zahra Salvacion
2. Sister Aminah from US
3. Brother Jameel Lumanog
4. Arvin Ahmed Cayabyab
5. Priest and preachers enter Islam by Yusuf Estes
6. Dr. Dirks is a former minister (deacon) of the United Methodist Church. He holds a Master's degree in Divinity from Harvard University and a Doctorate in Psychology from the University of Denver.
7. Reverend Armando Barcelon
© 2012 Created by Reverts to Islam.