Assalamualeikum.
Nakakapanlumo ang kasalukuyang kalagayan ng aking mahal na bayan. Tigmak ng kurapsyon, kasinunglingan, kawalan ng katarungan, at halos lahat ng uri ng haram. Tuluy-tuloy ang malalaking pagsubok na ipinadadala ng Allah, swt karamihan ay bunga ng maling gawa ng aking mga kapuwa-pinoy at pati ang kalikasan ay pinalahok na rin ng Allah swt.
Sabi ng mga aklat-kasaysayan, ang bayan ko bago dumating ang mga kastila ay naninirahan ng matiwasay, may pag-galang at may kapayapaan syempre may pagkain sa mesa ang bawat pamilya at kapit-bahayan. Tayo daw ay pinayakap sa krus sa pamagitan ng dahas-armas at matatamis na salita ng bibliya. Duon nagsimula ang pagbalik natin sa kadiliman.
Maging ang ating mga kapatid na mahigpit ang pagkapit sa Islam sa Mindanao ay unti unting nilamon ng dilim dahil sa patuloy na digmaan, kaguluhan at kahirapan.Totoong dilim o kasinungalingan lang upang sila ay siraan at wasakin sa ating pananaw? Kailan lang ba may mga sinisikil at hinuhuling balik-islam at etnikong muslim na nagdadawah ( dahil daw sa paglabag sa terorismo)?
Ilang pamilya na ba ang winasak at nalulong sa haram dahil sa wala ang ama o ina o pareho sa tabi ng mga anak dahil kailangang mag-OFW? Ilan na ba ang Sarah Balabagan o Flor Contemplacion? Wala o karampot ang oportunidad para sa disenteng trabaho. Ilagay mo sa likod ng gumigiyagis na kahirapang ito ang katotohanan na ang Pinas ay binigyan ng Allah swt ng may pinakamaraming enerhiyang geothermal, mineral, ginto, pilak, copper, nikel, chrome, manganeze, iron ore, LNG, feldspar, limestone, dolomite, langis... at mahihilo ka sa kabalintunaan.
Maging ang ating mga pinunong muslim ay larawan na rin ng kawalang-pag-asa. Ang mga muslim ay watak-watak (daw?) sa kanilang paninindigan sa mga usaping pang-muslim.
"Noli me tangere" (Huwag mo akong salingin), tinuran ng ating pambansang bayani Gat. Jose Protacio Mercado (Rizal), dahil may sakit na kanser ang ating lipunan. Minsan parang kapanipaniwala na nagmuslim si Dr. Rizal, dahil sa aking pananaw ay eksakto ang kanyang diagnosis, at nagsimula ito nuong 1565 AD. Mas malala na ngayon, at ang kanser na kanyang binanggit ay "jahiliya".
Malayo pa ba ang bukang-liwayway? Ano ang pwede nating gawin na kaya lang? Pagkakaisa? Pagtutulung-tulong na lumikha ng negosyo sa Muslim Area, na ang kapital, management at manggagawa ay karamihan muslim? Pag-aralin ang ating mga anak na babae (ayaw natin ng lalaking duktor na titingin sa ating asawa at anak na babae) sa Medicine, OB-Gyne, Dentista atbp? Marahil, marami na ang mga muslim na abogado at pulitiko... baka pwede ang mga anak nating lalaki ay inhinyero, mekaniko, welder, atbp? Ano ang dapat nating unahin na kaya lang?
Nawa ay gawaran tayo ng Allah swt ng malinaw na pang-unawa, tatag ng kalooban (sabr), tunay na pagkatakot at pag-asa sa Kaniya (taqwa), gabay, at kalasag sa gitna ng mga pagsubok sa Pinas; gayundin sa ating mga pamilya, ummah at sa lahat nating mga kababayan saanman sila ngayon, na nakasalig sa Banal na Quran at Sunnah ng ating pinakamamahal na Propeta Muhammad (sumakaniya ang kapayapaan). Ameen
Tags:
Permalink Reply by Ahmadeen on July 15, 2011 at 4:34pm wa alaikum-mussalam.
Matagal na panahon na rin ang lumipas mula ng masakluban ng dilim ang sinag ng gasuklay na buwan. sinag na siyang tanging tanglaw sa ating lupang hinirang. Nagapi ng ating dakilang bayaning si Lapu-lapu ang dakilang mananakop na si Magellan, subali't hindi nakuhang manumbalik ang sinag ng gasuklay na buwan.
Nanatili ang kadiliman! Tila malayo pa nga yata ang bukang-liwayway...
Ganap na pagtalima! Ganap na pagsuko sa ating Dakilang Tagapaglikha! Marahil sa pagsuko nating ito'y magkakaroon tayo ng tapang...ng panibagong lakas para sa ating bayan.
Tangnan natin ng mahigpit Ang Quran na mas higit ang kapangyarihan sa anumang sandata ng pakikipaglaban at ang Sunnah ng Huling Propeta (sumakaniya ang kapayapaan) na mas higit ang tibay sa anumang kalasag ng isang kawal. Ito lamang ang natitira nating pag-asa ang natatangi nating kalasag at sandata.
TUITION FREE
Come Join us in seeking knowledge for the SAKE of Allah ta'ala Alone.
Abu Hurayrah relates that the Prophet(peace be upon him) said, "For him who embarks on the path of seeking knowledge, Allah will ease for him the way to paradise." (Related by Muslim)
Why did we embrace ISLAM? (Bakit ko niyakap ang Islam)
Please share your story on the blog and we will add the link here.
1. Sister Zahra Salvacion
2. Sister Aminah from US
3. Brother Jameel Lumanog
4. Arvin Ahmed Cayabyab
5. Priest and preachers enter Islam by Yusuf Estes
6. Dr. Dirks is a former minister (deacon) of the United Methodist Church. He holds a Master's degree in Divinity from Harvard University and a Doctorate in Psychology from the University of Denver.
7. Reverend Armando Barcelon
© 2012 Created by Reverts to Islam.