MAGKATULAD BA ANG DIYOS NA TINATAWAG NG MGA MUSLIM AT NG MGA  KRISTIYANO?

Views: 11

Reply to This

Replies to This Discussion

Assalamualaykum Wa Rahmatulahi Wa Barakatuh ! Kapayapaan sa yo kapatid ! Hindi ang kasagutan ko sa iyong tanong.. bagamat mababasa sa kahit na anong saling wika o version ng Bible na mula sa panahon ni Adan hangang sa kapanahunan ni Jesus ( ISA ) ay iisang panginoon lamang ang sinasamba nila. ay nakalulungkot na hindi ito sinunod ng mga kristiyano. sa halip ay ung katuruan ni pablo ang sinunod nila na tungkol sa tatlong persona at dahil dito ay pati si Jesus ay naging diyos na din at siya ang sinamba ng mga Kristiyano na nagkaroon lamang ng katawagang ganun ng wala na si Jesus sa kalupaan . Ginamit ng ito ng Roman Empire ang Kristiyanismo para sa kanilang pam politikal na ambisyon, hangang sa makarating sa espanya ( spain) at un ang dinala nila dito sa pilipinas.subalit kung susuriing mabuti sa kahit na anong saling wika ng bible ay walang nakalagay doon na sinabi ni jesus na siya ay diyos at wala siyang iniutos sa mga tao na sambahin siya. Bagkus ay tinuruan niya ang mga tao na sumamba sa iisang panginoon, na iisa na pareho ding panginoon na sinamba nila Moses,(Musa) Jacob, Noah, Abraham ( Ibrahim) at iba pang mga propeta na iisa at pareho ding panginoon na sinasamba natin, ang ALLAH.
Sinasabi sa banal na Qur'an sa Surah 3:50-53 " At ako ay pumarito ( sa inyo ) na nagpapatotoo kung ano ( ang nakapaloob ) sa TORAH ( mga batas) noong pang una, at upang gawing tumpak ( at makatarungan ) sa inyo ang ilang bahagi ( ng mga bagay) na sa inyo ay ipinagbabawal, at ako ay pumarito sa inyo na may katibayan mula sa inyong panginoon. Kaya't pangambahan ninyo si ALLAH at ako ay inyong sundin. katotohanan ! si ALLAH ay aking Panginoon at inyong Panginoon, kaya't tanging siya (lamang) ang inyong sambahin.Ito ang matuwid na landas. At ng mapag alaman ni Jesus ang kanilang kawalan ng pananampalataya siya ay nagsabi:"sino baga ang aking makakatulong sa kapakanan ng ALLAH? " Ang Hawariyyun ( mga disipulo ) ay nagsabi: " kami ang mga tagatangkilik ( katulong ) ni ALLAH; kami ay sumasampalataya kay ALLAH at ikaw ( Jesus ) ay magbigay saksi na kami ay mga Muslim ( na tumatalima kay ALLAH)." " O aming Panginoon! kami ay naniniwala sa anuman na inyong ipinanaog, at kami ay sumusunod sa sugo ( Jesus); kaya't ( inyong) itala kami sa lipon ng mga nagbibigay - patotoo sa Katotohanan, ( alalaong baga ang nagsasabi ng " wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag ukulan ng pagsamba maliban sa ALLAH).
Nawa'y nakapagbigay ng tugon sa iyong katanungan ang kaunti kong impormasyon na naibahagi, at naway gabayan at pagpalain tayo ng ALLAH sa landas na matuwid.

Reply to Discussion

RSS

© 2012   Created by Reverts to Islam.

Badges  |  Report an Issue  |  Terms of Service