salam alaikum,hnd po ba mawawala ang bisa ng salah kung hnd naka pag wudu dahil sa lugar na un ay walang tubig.

Views: 21

Reply to This

Replies to This Discussion

Wa alaikumusalam Sister

 

Wala pong bisa ang salah kung walang wudhu sister dahil prerequisite po ng salah ang wudhu. Ngunit kung walang tubig na magagamit kailangang maghanap muna ng tubig, at kung wala paring mahanap, kelangan parin mag-tayamum bago magsalah otherwise hindi katanggap-tanggap ang salah.

 

Allahu a'lam.

 

WJ

wa alykum salam sis

 

alhamdulillahi rabbil a'lamin- all thanks and praises be unto Allah, The Lord of all that exists, for guiding us all to His right path, Islam, and provided us with complete information and explanations of every acts of worship and all requirements, conditions,pillars, hukom and rewards,etc. thru His last Prophet,sas.

 

tama ang sinabi ng ating kapatid white jewel, at ang daleel nito sis ay makikita sa suratul maidah ayah 6, allah says:

 

"yaa ayuhal ladheena a'manuu idha qumtom illas sallah fa ghaseloo wajuhakom wa aydiyakom illal maraafeq wamsahoo biru'uusikom wa arjalakom illal kabayn" - ang kahulugan "O kahong mga naniniwala(mu'meen), kapag kayo ay tumayo sa sallah ay maghilamos muna kayo ng inyong mukha at hugasan ang inyong mga kamay (at braso) hanggang siko at haplusin ang inyong mga ulo (ng basang kamay) at hugasan ninyo ang inyong mga paa hanggang bukon-bukong".

 

"wa in kuntom junuban fat tahharuu wa in kuntom marda-aa aw alaa safarin aw jaa-a' ahadum minkom minal ghaa-iti aw lamastomun nisaa-a' falam tajiduu maa-a' fatayammamuu saiidan tayeeban famsahuu bi-wujuuhikom wa aydiikom minhu." ang kahulugan-" at kapag kayo ay junub ay maglinis kayo ng inyong mga sarili(ng ghusol o paligo ng buong katawan), at kapag kayo ay may sakit o nasa paglalakbay o ang isa man sa inyo na matapos gumamit ng palikuran(upang sumagot sa pananawagan ng kalikasan) o kaya ay nagkaroon ng pakipagtalik sa asawa at wala kayong matagpuang tubig ay magtayammum kayo ng malinis na alikabok(mula sa malinis na buhangin o lupa) at ihaplos ito sa inyong mga mukha at mga kamay".

 

kaya dito natin mnakikita sis na ipinag-utos ang paglilinis muna o wudu bago magsallah, at kapag junub ay maligo, at kapag wlang tubig na mkuha, (sabi ng ilang pantas pa ay, kung panginom lamang ang tubig o kya sobrang mahal ng tubig dhil panginom lamang ang mabibili) ay magtayammum na lamang, bago magsallah.

 

kaya hindi tanggap ang sallah ng walang wudu, dahil isa sa mga kondisyon ng sallah ay wudu o tahara- pagdadalisay sa sarili.

at kahit nasa tahara o nasa wudu na ang isang muslim na nagsimula nang magsallah, at nasira ito, ay kinakailangan niya munang lumabas sa sallah at magwudu ulit, at pagkatapos ay bumalik sa sallah, upang hindi mabale wala ang kaniyang sallah.

 

naway gabayan tayo ni Allah, ameen

 

jazakallahukhayran

salam sis. musta n po, paki add lang po if may facebook account kau. search nyo muna ang mohhamed hosaen averoun, den p add kau as a friend. mahusay po magpaliwanag iyan, work po iyan sa jaliat s al jouf.Hindi po ako yan h.  

Sister ang susi ng salah ay wudu at ang susi ng jannah ay salah. at ndi k pwede mag salah ng wala kang wudu.  bago po kau mag wudu sis may tinatawag p po tau n istinja at istijmar. ang istinja po ay paghuhugas ng maseselang bahagi at ng puwet at ang istijmar ay ang pag gamit ng bato.

ang tayammun ay ginagawa una if wala k n talagang tubig n makukuha, like kunwari sa disyerto o ung malalayong lugar na wala talagang tubig. pero kung sakaling may tubig ngunit delikado naman para makakuha k,tayammun k n lang at kung ito ay pang inom u n lang at kung sakaling sobrang lamig ng tubig.

may mga tubig n tinatawag n mutlaq o ung malilinis n tubig n pwede lang nating gamitin,so ndi din basta n lang may tubig.tubig n natunaw sa yelo,ulan,nawasa at ung purified water etc....ang mga pwede lang gamitin.

mga nakakasira nman ng wudu ay ang pag utot,pag ihi, pagdumi at pagkain ng karne ng kamelyo.

mga nakaka batal nman ng salah ay pag utot ng malakas o ung may amoy,ngunit kung walang amoy at ndi malakas,maaari mo p ding ituloy ang iyong salah,mag wudu n lang uli if mag susunnah muakada k p.pagtawa ng may tunog,ang labas ang aurat kahit mag isa k lang nag sasalah ay ndi ito pinapayagan.kaya ang isang babae pag nagsasalah dapat kober ang lahat pati paa at kamay maliban sa mukha pag nagsasalah. ndi din pinapayagang may nginunguya ang nag sasalah at ang paglingon kung saan saan. insha Allah sis matanggap ang ating mga salah at pag nag sasalah ka lagi mo iisiping iyon n ang huling salah mo para lalo p nating pagbutihin ang pag sasalah.

Reply to Discussion

RSS

Join us in Seeking knowledge!

TUITION FREE

Come Join us in seeking knowledge for the SAKE of Allah ta'ala Alone.

Abu Hurayrah relates that the Prophet(peace be upon him) said, "For him who embarks on the path of seeking knowledge, Allah will ease for him the way to paradise." (Related by Muslim)

 

Why did we embrace ISLAM? (Bakit ko niyakap ang Islam)
Please share your story on the blog and we will add the link here.
1. Sister Zahra Salvacion
2. Sister Aminah from US
3. Brother Jameel Lumanog
4. Arvin Ahmed Cayabyab
5. Priest and preachers enter Islam by Yusuf Estes
6. Dr. Dirks is a former minister (deacon) of the United Methodist Church. He holds a Master's degree in Divinity from Harvard University and a Doctorate in Psychology from the University of Denver.
7. Reverend Armando Barcelon

© 2012   Created by Reverts to Islam.

Badges  |  Report an Issue  |  Terms of Service