Ang kalagayan ng Diyos sa Bibliya at sa Quran

Ang kalagayan ng DIYOS sa Bibliya at sa Quran1

  1. ANG DIYOS AY IISA –iisa lang ang Diyos.kapag sinabing iisa talagang  iisa.kahit sa kumpanya pag dalawa ang manager magulo e di lalo na sa kalangitan –

Bible – Isaiah 45:22  Kayo’y magsitingin sa akin, at kayo’y mangaligtas, lahat na taga  wakas ng lupa: sapagka’t ako’y Dios, at walang iba liban sa akin.

Bible – Deutronomy 6:4  Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon:

Bible – Marcos 12:29  Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa:

[Quran 37:4]  Indeed, your God is One.

[Qur’an 112:1] “Ipahayag mo (O, Muhammad) Siya  ang Allah2(Diyos), ang Tanging isa.

2.) ANG DIYOS AY WALANG PANGANGAILANGAN

       Alam nyo, nagugulat ako sa pinapangaral ng mga mangangaral na ang Diyos daw ay nagpahinga. Nang lalangin ng Diyos ang langit at lupa sa unang araw,at sumunod ang karagatan, mga pananim, hayop, puno at halaman, mga isda sa karagatan at sa ikaanim na araw ay nilalang nya ang tao,at sa ikapitong araw daw ang Diyos ay nagpahinga. Napakalaki pong insulto yan sa Diyos, nangangahulugan na ang diyos ay may kahinaan. Papaano Kung magkasakit ang Diyos na yan.Delikado yan. At lalong napakalaking insulto yan sa Tao dahil bakit? Sa oras na tatawag ang tao sa Diyos na yan dahil wala na siyang mahingian ng tulong at sasabihin ng tao, “Diyos ko tulungan mo ako hindi ko na kaya at ikaw nalang ang pag asa ko sa problema kong ito, pasan-pasan ko na ang daigdig sa bigat ng problema ko” at sasagutin ka ng Diyos=istorbo ka, kita mong nagpapahinga pa ako.

Bible-Isaiah 40:28  Hindi mo baga naalaman? hindi mo baga narinig? ang walang hanggang Dios, ang Panginoon, ang Maylalang ng mga wakas ng lupa, hindi nanlalata, o napapagod man; walang makatarok ng kaniyang unawa.

[Quran 050:038] And indeed We created the heavens and the earth and all between them in six Days and nothing of fatigue touched Us.

   3) ANG DIYOS AY HINDI IPINANGANAK at HINDI NAGKA ANAK

—pag ang hayop ay nanganak,  ano ang anak? 

— pag ang Tao ay nanganak, ano ang anak?

—Pag ang Diyos ay nanganak ano ang anak? Kapag ang Diyos.ay nagka anak ilan na ang Diyos? E di dalawa na sila.at yung Diyos anak ay wala bang karapatang manganak? Pag ang anak ay nag kaanak din ano ang tawag na sa kanila:

Numbers 23:19  Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?

Oseas 11:9 “Sapagka’t ako ay Diyos, hindi tao.”

[Quran 019:030] He [‘Îsâ (Jesus)] said: “Verily, I am a slave of Allâh, He has given me the Scripture and made me a Prophet;”

[019:031] “And He has made me blessed wheresoever I be, and has enjoined on me Salât (prayer) and Zakât (obligatory charity), as long as I live.”
[019:032] “And dutiful to my mother, and made me not arrogant,    unblest.
[019:033] “And Salâm (peace) be upon me the day I was born, and the day I die, and the day I shall be raised alive!”
[019:034] Such is ‘Îsâ (Jesus), son of Maryam (Mary). (It is) a statement of truth about which they doubt (or dispute).             

4.)  ANG DIYOS AY WALANG KATULAD

      Isaiah 46:9  Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka’t ako’y Dios, at walang iba liban sa akin; ako’y Dios, at walang gaya ko;

Qur’an 112:1-4 “Ipahayag mo (O, Muhammad) Siya  ang Allah, ang Tanging isa. Allah, ang sandigan ng lahat. Hindi Siya nagkaanak at hindi ipinanganak At sa Kanya ay walang (makatutulad at) makapapantay.”

1Ang Banal na Qur’an ay ang panghuling kapahayagan ng Diyos sa tao. Ito ay ibinaba ni Anghel Gabriel kay propeta Mohammad sa loob ng dalawampu’t tatlong taon at napapanatili sa kanyang orihinal na lengguwahe(Arabic) simula noon hanggang ngayon.

2Allah ay katawagan o pangalan ng Diyos sa Arabic language.  Sa Arabic BIBLE ay ang ginagamit na pangalan ng Diyos ay Allah.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *